Balita

Team SEA, naniniguro sa Pradera Challenge

- HINDI RIO DELUVIO

PINALAKAS ng Team Southeast Asia ang kanilang kampo sa pagdagdag kay Singapore’s star Shannon Tan para sa kampanyang madepensah­an ang korona laban sa Team Philippine­s sa Pradera Verde Ladies Challenge sa Enero 15-17 sa Lubao, Pampanga.

Nasa line-up ng Team SEA ang pinakamahu­husay na amateur players mula sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Nakopo nila ang inaugural title tagtana ng siyam na puntos na panalo.

Sasabak sa Team SEA sina Thailand’s Kultihda Pramphun, Phannarai Meesomus, Pimkwan Chookaew, Pinkaew Trachenton­g at nagbabalik na si Onkanok Soisuwan, kasama sina Malaysians Winnie Ng, Ashley Lau, Audrey Tan at Zulaikan Nurzian at Indonesian Michela Tjan.

Tatampukan naman ang Team Philippine­s nina dating World Junior Girls champion Yuka Saso, dating national champion Harmie Constantin­o at The Country Club mainstays Mikha Fortuna, Bernie Olivarez-Ilas at Sofia Chabon.

Sasabak din ang 13-anyos na si Annyka Cayabyab kasama sina Nicole Abelar, Laurea Duque, Tomi Arejola at Kayla Nocum.

Inaasahang dikdikan na agad ang laban sa opening day dahil uunahing laruin ang scramble format at alternate shot.

Pangunguna­han ang Team SEA nina team captains Phunampa Pornperapa­n, Jantsonn Kan habang ang skippers sa local team ay sina Rolly Romero, Daisy Reyes and Sto. Domingo.

“With souped- up squads, we expect a solid showing for both sides, guaranteei­ng a thrilling battle in all three days among the best young players in the region,” pahayag ni Archen Cayabyab, founder ng torneo kasama sina Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab at swing coach Norman Sto. Domingo. napigilan ni Reynel Hugnatan ng Meralco at pagiskor ni Mac Bello ng Blackwater sa isang tagpo ng kanilang laro kamakailan sa PBA Philippine Cup.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines