Balita

37 nasawi sa mall fire, natagpuan na

- Yas Ocampo, Roy Mabasa, at Mina Navarro

Natukoy na ng medical staff at mga kawani ng pamahalaan ang siyam sa 37 bangkay ng call center agents na natagpuan sa natupok na bahagi ng NCCC Mall makalipas ang ilang oras ng testing at identifica­tion procedures sa mga kaanak nito, ayon sa mga social worker.

Hinihintay na lang ng City Social Services and Developmen­t Office (CSSDO) ang permiso para isapubliko ang mga pangalan ng mga bangkay na nakilala na.

Bagamat karamihan sa mga biktima ay taga-Davao City, ang ilan sa kanila ay taga-Lucena pa, habang ang iba pa ay nagmula sa mga kalapit na bayan ng Tagum at Panabo sa Davao del Norte, at Digos City, Davao del Sur, at isa ang tubong Mawab, Compostela Valley.

Natukoy na rin ang pagkakakil­anlan ng unang bangkay na natagpuan sa ikalawang palapag ng mall nitong Linggo.

Muli namang nagpaabot ng pakikirama­y si Pangulong Duterte sa mga pamilyang namatay sa sunog, kasabay ng pagtiyak sa mga ito na ang “truth will come out” sa imbestigas­yon.

“What I assured them is that truth will—let the truth come out. ‘Yan lang naman ang ano nila, eh. Totoo lang, ano nangyari,” sinabi ng Pangulo nang kapanayami­n ng mga mamamahaya­g sa Davao City nitong Lunes ng gabi.

Nag-alok na mga pamilya ng mga biktima na tutulong ang gobyerno sa mga gastusin sa libing, iminungkah­i rin ni Duterte sa mga ito na i-cremate na lang ang mga bangkay, dahil ito ang “cleanest and most expedient way of doing things.”

Samantala, iginiit naman ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippine­s (ALU-TUCP) na pinatunaya­n ng insidente na hindi ginagampan­an ng Department of Labor and Employment (DoLE) at ng mga employer ang tungkulin ng mga ito na tumalima sa labor laws.

“Had there been a routine and objective workplace DoLE inspection of the mall, this deaths-causing fire could have been minimized to the barest damage to property. Due to DoLE officials’ negligence, workers’ lives is sacrificed, again this time at the cost of the 37 workers trapped to their deaths,” sabi ni Alan Tanjusay, tagapagsal­ita ng ALU-TUCP.

 ??  ?? PAKIKIRAMA­Y Pinagmamas­dan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa 37 sunog na bangkay na natagpuan sa loob ng halos naabong NCCC Mall sa sa Davao City. Kasama rin ng Pangulo sina Special Assistant to the President Christophe­r Lawrence Go at Southern Philippine­s Medical Center Chief Dr. Leopoldo Vega.
PAKIKIRAMA­Y Pinagmamas­dan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa 37 sunog na bangkay na natagpuan sa loob ng halos naabong NCCC Mall sa sa Davao City. Kasama rin ng Pangulo sina Special Assistant to the President Christophe­r Lawrence Go at Southern Philippine­s Medical Center Chief Dr. Leopoldo Vega.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines