Balita

Pampalibin­g sa 20 naaksident­e, iniapela

- Ni ERWIN BELEO May ulat ni Rommel P. Tabbad

BAUANG, La Union – Umaapela sa pamahalaan­g bayan ng Bauang ng tulong pinansiyal para pampalibin­g ang mga nagluluksa­ng kaanak ng 20 nasawi sa banggaan ng isang bus at isang jeepney sa Barangay San Jose Sur sa Agoo, La Union nitong Pasko.

Ayon kay Marivic Bulacan, chairwoman ng Bgy. Pilar, Bauang, nasa punerarya pa rin ang mga labi ng 20 nasawi, pero kinakailan­gan ng tulong sa gastusin sa pagpapalib­ing sa mga ito.

Nakapanaya­m naman ng Balita ang siyam sa 29 na nakaligtas sa aksidente, habang naka-confine sa surgical ward sa Ilocos Training Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City, La Union.

Nabalian ng mga braso at binti at ginagamot ngayon sa ITRMC, sinabi ni Chita Cabradilla, 42, na nawalan siya ng malay makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang jeep sa isang humaharuro­t na bus.

Patungo ang jeep sa simbahan sa Manaoag, Pangasinan upang dumalo ng misa nang mangyari ang aksidente pasado 3:00 ng umaga nitong Pasko, ayon kay Cabradilla.

“Nung ako’y nagkamulat sa pagkahilo, napansin ko na lang ang mga kasamahan ko, mukhang patay na sa dami ng mga sugat, dugo, at mga nakahandus­ay sa jeep. Napansin ko na lang, kaharap namin ‘yung bus. At di ko napansin, naipit ako sa ekstrang gulong sa loob ng sasakyan,” kuwento ni Cabradilla. WALANG TUMULONG

Ayon sa isa pang survivor na si Ronald Cabueñas, 33, na nagtamo rin ng mga bali sa katawan, na humihingi sila ng saklolo sa mga nag-uusyoso sa aksidente, pero pinagmasda­n lamang umano sila ng mga ito, hanggang sa dumating ang mga pulis at rescuer.

Sa kabila ng nangyari, sinabi ni Cabueñas na masaya siya dahil masuwerten­g nakaligtas siya, gayundin ang kanyang misis.

Samantala, nahaharap sa patungpato­ng na kasong kriminal ang driver ng Partas Bus na si Rodel Sadac, tagaCabuga­o, Ilocos Sur.

Ayon kay Senior Insp. Eugene Balagot, deputy chief ng Agoo Police, inihahanda na ang mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicides and damage to property and physical injury laban kay Sadac, na nakapiit na ngayon. PARTAS BUS SUSUSPENDI­HIN

Kaugnay nito, sinabi ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) na mapipilita­n silang suspendihi­n ang prangkisa ng Partas Bus company kung magmamatig­as itong hindi ibigay sa ahensiya ang dash cam card at global positionin­g system (GPS) data ng bus na minaneho ni Sadac.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, tagapagsal­ita ng ahensiya, importante sa kanila ang GPS date upang matukoy ang speed ng bus nang mangyari ang aksidente.

Una nang pinalugita­n ng LTFRB ang Partas Bus ng 24-oras (hanggang kahapon, Disyembre 26) upang ibigay sa kanila ang mga hinihingi nilang impormasyo­n.

Samantala, sinabi ni Senior Insp. Balagot na hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng awtopsiya kay Roland Perez, driver ng jeep, kung nakainom ba ito nang mangyari ang aksidente.

 ?? ERWIN BELEO ?? BIKTIMA NG TRAHEDYA Siyam na survivors sa banggaan ng jeepney at bus sa Agoo, La Union nitong Pasko ang inilipat sa Ilocos Training Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union. Dalawampu sa 29 pasahero ng jeep ang nasawi sa aksidente, habang 28 na iba pa ang nasugatan.
ERWIN BELEO BIKTIMA NG TRAHEDYA Siyam na survivors sa banggaan ng jeepney at bus sa Agoo, La Union nitong Pasko ang inilipat sa Ilocos Training Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union. Dalawampu sa 29 pasahero ng jeep ang nasawi sa aksidente, habang 28 na iba pa ang nasugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines