Balita

Traffic lalala pa sa 2018—MMDA

- Anna Liza Villas-Alavaren

Ngayon pa lamang ay nagbabala na ang gobyerno na mananatili ang problema sa trapiko sa 2018 dahil sa maraming nakalinyan­g infrastruc­ture projects para mapabuti ang transporta­tion network sa Metro Manila, sinabi ng isang mataas na opisyal ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA).

Umapela si Tim Orbos, MMDA general manager, sa mga motorista at pasahero na pagpasensi­yahan ang inaasahang siksikang trapiko sa sabay-sabay na pagsisimul­a ng infrastruc­ture projects sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” sa susunod na taon.

Kabilang sa mga nakalinyan­g proyekto sa 2018, ani Orbos, ay ang Metro Rail Transit- Light Rail Transit common station sa second quarter; LRT line 2 extension project sa Marcos Highway at LRT Line 1 extension patungong Cavite; unang subway sa Metro Manila sa third quarter; Megawide Southwest Terminal, South Terminal, MRT 7, mga tulay na itatayo ng Department of Public Works and Highways; rehabilita­syon ng Guadalupe Bridge, at marami pang iba.

“Some of these projects are long overdue. The plan is to complete them before the end of the Duterte administra­tion. For us to have better infrastruc­ture, we need to go through heavy traffic which will start next year. We have to keep our patience up. Just remember, things will get better after,” ani Orbos, concurrent Department of Transporta­tion (DoTr) undersecre­tary for roads and transport network.

Sinabi ni Orbos na makakaasa ang publiko ng mas coordinate­d efforts ng tatlong ahensiya, kabilang ang MMDA, DPWH, DOTR, Philippine National Police-Highway Patrol Group, Bases Conversion and Developmen­t Authority, upang maibsan ang siksikang trapiko na idudulot ng mga constructi­on project na ito.

Kabilang sa mga ikinokonsi­dera nilang solusyon ang carpooling at flexi-time sa trabaho. “One is carpooling; other is private sector should come in to help us in the implementa­tion of flexitime schedule for employees, and delivering commerce in evening,” ani Orbos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines