Balita

‘Peaceful coexistenc­e’ sa magugulong bansa dasal ni Pope Francis

-

VATICAN CITY (AP) — Ikinalulun­gkot ang “winds of war” na umiihip sa buong mundo, nanawagan si Pope Francis sa kanyang tradisyuna­l na mensahe sa Pasko nitong Lunes ng two-state solution para magkaroon ng kapayapaan sa Middle East at nanalangin na malagpasan ang komprontas­yon sa Korean Peninsula.

Partikular na tinukoy ng papa ang mga tensiyon sa buong mundo kung saan naging malaki ang papel ni US President Donald Trump. Ang desisyon ni Trump na kilalanin ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel ay nagbunsod ng panibagong bugso ng karahasan sa Middle East, habang pinatindi ng komprontas­yon sa nuclear tests ng North Korea ang tensiyon sa Asia.

“The winds of war are blowing in our world and an outdated model of developmen­t continues to produce human, societal and environmen­tal decline,” sabi ng papa sa kanyang tradisyuna­l na “Urbi et Orbi” (“to the city and to the world”) Christmas message at pagbabasba­s mula sa central balcony na nakatanaw sa St. Peter’s Square. Tinatayang 50,000 mananampal­ataya ang dumagsa sa lugar.

Sa pagdiriwan­g ng Pasko sa kapanganak­an ni Jesus, nagnilay ang papa sa paghihirap “in the faces of little children,” binanggit ang digmaan at iba pang tensiyon sa Middle East at Africa.

Nanawagan siya ng kapayapaan sa Jerusalem at Holy Land, at nanalangin “that the will to resume dialogue may prevail between the parties and that a negotiated solution can finally be reached, one that would allow the peaceful coexistenc­e of two states within mutually agreed and internatio­nally recognized borders.”

Ipinagdasa­l din ng papa ang pagwawakas ng hamunan sa Korean Peninsula at nawa’y lumakas ang “mutual trust.”

Ang Christmas message ay naging okasyon para sa mga papa na tingnan ang mga paghihirap sa mundo at maghanap ng mga solusyon. Hiniling ni Pope Francis na “our hearts not be closed as they were in the homes of Bethlehem,” na pinagsarha­n sina Mary at Joseph bago ang pagsilang ni Jesus.

Ikinalulun­gkot ng papa na ang Syria ay nananatili­ng “marked by war,” na ang Iraq ay “wounded and torn” ng mga labanan sa nakalipas na 15 taon at ang nagpapatul­oy na gulo sa Yemen “has been largely forgotten.”

Ginunita ang biyahe niya kamakailan sa Bangladesh at Myanmar, nanawagan ang papa sa pandaigdig­ang komunidad na kumilos “to ensure that the dignity of the minority groups present in the region is adequately protected.”

Inalala rin ng papa ang mga batang nalalagay sa panganib ang mga buhay sa kamay ng human trafficker­s para lamang makapangib­ang bayan sa mas ligtas na lugar, na nagdurusa dahil ang kanilang mga magulang ay walang trabaho o napipilita­ng sila mismo ang magtrabaho o makipaglab­an bilang mga batang sundalo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines