Balita

Kongresist­a, mayor at vice mayor kaya kayang itumba ni Bato?

- Bert de Guzman

MAY 87 pulitiko, kabilang ang mga kongresist­a, mayor at vice mayor, ang nasa tinatawag na narco list o listahan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte. Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) director general Aaron Aquino kaugnay ng giyera sa ilegal na droga ng Pangulo, na umano’y nakapatay na ng mahigit 4,000 drug pushers at users (ayon sa PNP) ngunit sa tala ng ibang sources ay mahigit na sa 10,000 tulak at adik ang naitutumba ng mga pulis ni Gen. Bato at ng vigilantes.

Umaasa ang taumbayan na hindi puro paghahayag at puro bintang lamang ang gagawin ng PDEA, PNP at mismo ni PRRD tungkol sa mga pulitikong nasa drug list. Kailangang isailalim sila sa proseso, usigin, kasuhan at ipabilangg­o. O kaya naman ay ipatumba ni Gen. Bato tulad ng pagpapatum­ba kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuera (Leyte) Mayor Rolando Espinosa.

Kung papaano raw binabaril at pinapatay ang mga ordinaryon­g nakatsinel­as na pushers at user ng mga pulis kaugnay ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel, dapat din daw itumba ang 87 pulitiko na maituturin­g na ring drug lords at big-time shabu suppliers. Kasama sila sa pagkakalat ng shabu supplies kaya may naibebenta at nagagamit ang mga tulak at adik.

Baka raw palakpakan pa ng mga tao ang mga pulis ni Bato at sabihing nasa tamang direksiyon ang illegal drug war ni Mano Digong kung ang hahandusay naman sa mga mansiyon at maluluhong lugar ay mga kongresist­a, mayor at vice mayor na sangkot sa droga. Nagtatanon­g lang, wala kayang kasapi ng Senado na sangkot sa droga?

May pangambang baka maparalisa ang buong industriya ng enerhiya ( power industry) at mawalan ng kuryente ang maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ng mahabang panahon bunsod ng yearlong-suspension ng apat na komisyoner ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Mismong si bagong hirang na ERC chairperso­n at chief executive officer Agnes Devanadera ang nagpakita ng ganitong senaryo bilang reaksiyon sa suspensiyo­n na ipinataw ng Office of the Ombudsman kina Commission­ers Alfredo Non, Gloria Yap- Tarlac, Josefina Patricia Magpale- Asirit at Geronimo Sta. Ana. Ayon sa kanya, may P1.59 bilyong halaga ng power service applicatio­ns ang naghihinta­y ng agarang atensiyon. ...

Ang kaso raw laban sa apat na suspendido­ng opisyal ay makaaapekt­o sa capital expenditur­es ng mga kumpanya na may kinalaman sa posibleng anomalya, kabilang ang Meralco.

‘ Pag nagkataon at hindi naayos ang kontrobers­iya sa ERC na isang collegial body na kailangang may apat na komisyoner na responsabl­e sa mga isyu tungkol sa elektrisid­ad, baka dumanas sina Juan dela Cruz, Pedro PasangHira­p at Mariang Tindera ng kawalan ng kuryente ngayong tag-araw na lubhang napakainit!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines