Balita

Ruben Maria Soriqeuz, investor sa local entertainm­ent industry

- Ni REGGEE BONOAN

MAY bagong investor sa local entertainm­ent industry mula sa Italy, ang producer, direktor at aktor din sa nasabing bansa na si Ruben Maria Soriquez. Siya ‘yung gumanap na boss ni Sharon

Cuneta sa pelikulang Unexpected­ly Yours na pinagretir­o na siya dahil hindi niya kayang makipagsab­ayan sa bagong trend ng publishing at social media. Gumanap ding tatay ni Liza

Soberano si Direk Ruben sa teleseryen­g Dolce Amore at naging dialogue coach din ng dalaga dahil nga Italyana ang karakter nito.

Tatlong taon na sa Pilipinas si Direk Ruben at pinag-aralan niya ang takbo ng local show business dahil gusto niyang mag-invest dito.

Unang nakilala ang Fil-Italian actor/ direktor sa pelikulang of Sinners and Saints na siya rin ang director at lead actor kasama sina Polo Ravales, Richard Quan, Raymond

Bagatsing, Channel Latorre at Althea Vega. Nanalong Best Actor si Direk Ruben sa 2015 World Premieres Film FestivalPh­ilippines na ginanap sa SM Mall of Asia Centerstag­e.

Nang makatrabah­o niya sina Sharon at Robin Padilla sa Unexpected­ly

Yours, nabanggit niya na gusto niyang maidirek ang dalawa.

“Happy ako na makatrabah­o siya, masaya kasi katrabaho si Ms. Sharon, always joking. But when she gets into character, mabilis lang niya nagagawa ang eksena niya. In the movie, I play Ricardo, the boss of Patty (Sharon). Sayang lang kasi wala kami scene together ni Robin. But I met him at the premiere night and it was a pleasure and we agreed to meet anew and talk about projects.

“I am humbled and honored to be with stars na katulad ng megastar at indisputab­le action star na si Robin. Wish ko na maidirek ko sila someday. Iyong magkahiwal­ay na movie, I mean.

“Dapat ay may meeting kami ni Robin kaya lang ay hindi natuloy dahil sobrang busy ako at sobrang busy din siya. Kapag both of us have time, gusto ko pa rin siya idirek.” Bakit gusto niyang maidirek si Robin? “Oh, I like him in the film, Unexpected­ly

Yours. I like his acting. That’s why gusto ko siyang idirek din someday sa isang movie.”

Action-comedy ang pelikula ni Binoe na gusto niyang gawin, na forte rin naman talaga nito.

Samantala, maraming projects sa Pilipinas ang Italian director. Mapapanood siya sa paranormal movie na The Lease na

idinirehe ng Italian director na si Paolo Bertola with Garie Concepcion, The Spiders’ Man, black comedy na tungkol sa autism at family ties na kinunan sa Italy ang ilang eksena. Kasama ni Direk Ruben dito sina Richard Quan, Jeffrey Tam, Lee O’Brian, Rob Sy, Red Ibasco, at ang misis niyang

si Lanie Gumarang. Samantala, kasama ni direk Ruben sina

Maurizio Baldini at Lorenzo Galanti bilang founder ng European Philippine­s Internatio­nal Film Festival (EPIFF) na inendorso ng Italian Chamber of Commerce na ang una ang isa sa board of directors.

“The objective of EPIFF is to promote the best of Philippine cinema in Italy and Europe and to find distributi­on for those films as well,” paliwanag ni Direk Ruben.

“We shall announce the call for entries anytime soon. The festival will be a competitio­n among films made by Filipinos or filmmakers abroad with Pinoy blood. We will be looking for films that have internatio­nal appeal, especially to the European audience.

“For those filmmakers who want to join on this festival, it should have an internatio­nal appeal to the people who will watch for it. It can be old movies from 2015 or it could be a new movie. They should put Italian subtitles at the bottom for the Italian to understand the film. The selection committee for these films are Italians.”

Ang nasabing internatio­nal film festival ay pansamanta­lang naka- schedule sa Marso 7-9, 2018, gaganapin sa isang makasaysay­ang teatro sa Florence, Italy.

Ang final deadline for submission para sa feature-length documentar­ies at feature-length films ay sa Enero 31, 2018.

 ??  ?? Ruben
Ruben

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines