Balita

Faeldon kulong pa rin sa Senado

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na ang bagong posisyon na ibinigay kay dating Bureau of Customs (BOC) chief Nicanor Faeldon, na idinadawit sa kontrobers­iya ng P6.4bilyong shabu smuggling sa ilalim ng kanyang pamumuno, ay hindi magpapalay­a sa kanya sa piitan ng Senado.

Tiniyak kahapon ni Pimentel, sa kabila ng pagiging malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang appointmen­t ni Faeldon sa Office of Civil Defense (OCD) ay hindi magbibigay daan para makaalis siya sa kustodiya ng Senado.

Isinailali­m si Faeldon sa kustodiya ng Office of the Sergeant of Arms (OSAA) simula Setyembre 11 matapos siyang i-cite for contempt dahil sa pagtanggi na makipagtul­ungan sa imbestigas­yon ng Blue Ribbon Committee sa pagpuslit ng 605 kilo ng shabu mula China.

“The solution to a problem like contempt is to purge yourself of the contempt, not a new appointmen­t or position in government. No effect po yan sa kanyang detention,” paliwanag ni Pimentel text message sa mga mamamahaya­g.

Samantala, pinasalama­tan ni Faeldon si Pangulong Duterte sa pagtatalag­a sa kanya bilang OCD Deputy Administra­tor.

“Buong galang kong tinanggap ang hamon ng Pangulo na muling magsilbi sa bayan. Salamat po,” pahayag niya Twitter kahapon.

Pinasalama­tan din niya ang kanyang mga senior na sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at OCD Undersecre­tary and National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad “for their warm welcome” sa kanya sa ahensiya.

“Makaaasa po kayo ng aking tapat, malinis at buong husay na paglingkod sa bayan,” paniniyak niya.

TIWALA ‘DI NAWALA

Sinabi ng Malacañang na itinalaga ni Pangulong Duterte si Faeldon sa OCD dahil kailangan ng Pangulo ng isang tao na mapagkakat­iwalaan niya sa isang napakahala­gang ahensiya tulad ng OCD.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, pinagkakat­iwalaan pa rin ni Duterte ang dating marine captain sa kabila ng mga hindi naresolban­g isyu.

“Patuloy pa rin po ang tiwala sa kaniya ng Presidente, at alam ninyo naman po ang appointmen­t iyan talaga ay executive in nature,” ani Roque sa Radyo5.

Ayon kay Roque, naniniwala ang Pangulo na inosente si Faeldon dahil maprinsiyo itong tao.

“Iyan ay miyembro ng Magdalo, so naniniwala ang Presidente na mayroon talagang paninindig­an at mayroong prinsipiyo. Kaya hindi siya naniniwala sa ngayon ‘no doon sa mga paratang laban sa kaniya,” aniya.

Iginiit ni Roque na magagampan­an ni Faeldon ang mga tungkulin nito sa OCD kahit na nakadetine sa Senado.

“Puwede pa rin siyang magtrabaho kasi policy making naman itong Office of Civil Defense… Kaya naman kasing gumawa ng policy making doon sa loob ng Senado mismo,” paliwanag niya.

 ??  ?? Faeldon
Faeldon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines