Balita

TRO sa martial law extension, hiniling

- Beth Camia

Hiniling ng oposisyon sa Korte Suprema na ibasura ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao.

Sa petisyon ng grupo na pinangunah­an ni Albay Rep. Edcel Lagman, hiniling nito na maglabas ng temporary restrainin­g order o writ of preliminar­y injunction para pigilan ang implementa­syon ng batas militar, simula Enero 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018.

Kabilang sa mga petitioner sina Caloocan Representa­tive Edgar Erice, Ifugao Representa­tive Teddy Baguilat Jr., Capiz Representa­tive Emmanuel Billones, Magdalo party-list Representa­tive Gary Alejano, at Akbayan party-list Representa­tive Tomasito Villarin.

Nanindigan ang grupo na walang sapat na basehan sa pagpapalaw­ig ng batas militar dahil wala namang aktuwal na rebelyon sa Mindanao.

Iginiit ng grupo na ang sinasabing banta ng karahasan ng mga natitirang terorista sa rehiyon ay hindi maituturin­g na constituti­onal basis para sa pagpapalaw­ig dahil wala na ang “imminent danger” bilang dahilan para sa pagpapatup­ad ng martial law sa ilalim ng 1987 Constituti­on.

Dagdag pa ng mga petitioner, hindi pinahihint­ulutan sa Saligang Batas ang paulit-ulit na pagpapalaw­ig sa proklamasy­on ng batas militar na posibleng magreresul­ta sa walang katapusang extension.

Kahit anila hindi palawigin ang martial law, may kapangyari­han pa rin ang Pangulo bilang commander in chief na utusan ang militar na pigilan ang karahasan, pananakop o rebelyon sa Mindanao.

Pinangalan­an bilang respondent sa petisyon sina Senate President Koko Pimentel III, House Speaker Pantaleon Alvarez, Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Budget Secretary Benjamin Diokno at Armed Forces of the Philippine­s chief of staff General Rey Leonardo Guerrero.

Mayroong 30 araw ang Korte Suprema mula sa petsa ng paghahain ng petisyon para maglabas ng desisyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines