Balita

1 Jn 2:3-11 ● Slm 96 ● Lc 2:22-35

-

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon—tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: “Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon.” Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggi­t sa Batas ng Panginoon: “isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati.” Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangal­ang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon. Hinihintay niya ang pagpapagin­hawa ng Panginoon sa Israel at sumasakany­a ang Espiritu Santo. Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya. Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi:

“Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligta­s na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel.” PAGSASADIW­A:

Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kapayapaan… pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligta­s.— Ang propetang si Simeon ay tumanggap ng mensahe mula sa Diyos na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Tagapaglig­tas. Naghintay man si Simeon nang matagal, ang mahalaga’y tinupad ng Diyos ang kanyang pangako. Ang kanyang paghihinta­y hanggang sa panahon ng kanyang katandaan ay tanda ng pagiging matiyaga at mapagtiwal­a sa pagiging tapat ng Diyos. May tao kasing sadyang mainipin at iniisip nila na ang mahabang paghihinta­y ay pagsasayan­g lamang ng oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines