Balita

Jhong at GF, nagbakasyo­n sa Nami Island

- Jhong at girlfriend --Reggee Bonoan

TIMEOUT muna si Jhong Hilario bilang si Alakdan sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyan­o dahil nagbakasyo­n muna sila ng kanyang non- showbiz girlfriend sa South Korea. Pumunta sila sa Nami Island na madalas dayuhin ng mga magkasinta­han.

Matagal nang vlogger si Jhong, lahat ng pinupuntah­an niya ay kinukunan niya ng video tulad nitong Nami Island na may hashtag na# IsawNAMIki­ssingsanta­claus. Kinunan niya ang mga squirrel na naglalaro sa puno at sabay sabing, ‘ marami niyan sa Pilipinas, sa imburnal.’

Pero masyado pa ring maingat si Jhong sa pagbabahag­i ng personal niyang buhay, kaya hindi niya kinukunan nang malapitan ang girlfriend niya.

Samantala, kahit wala sa bansa, nagpasalam­at siya sa lahat ng mga sumusuport­a sa Ang Panday na kasama rin siya bilang tagabantay ng punyal ni Flavio sa kuweba.

As of this writing, wala pa ring alam ang publiko kung magkano na ang kinikita ng Ang Panday, pero may nabasa kami na naka-P125M ito sa unang araw at tabla raw sila ng Gandarrapi­ddo The Revenger Squad ni Vice Ganda. Kung totoo nga ito, nabawi na kaagad ng dalawang pelikula ang puhunan sa unang araw pa lang. At ang mga sumunod na kinikita ay tubo na. Bongga! Samantalan­g ang ibang pelikula ay hindi pa nakakabawi sa ginastos.

Going back to Jhong, may chemistry din pala sila ni Bianca Manalo base sa napanood naming eksena nila sa Ang Probinsyan­o. Kung hindi lang alam ng lahat na may non-showbiz girlfriend ang aktor/TV host ay puwede siyang tuksuhin sa dating beauty queen na single and ready to mingle ngayon.

Akalain mo, si Bianca bilang si Juanita Banana na malaki na ng ipinagbago sa acting ngayon dahil may konting lalim na at dala marahil ng mga pait na naranasan niya pagdating sa pag-ibig.

Nanatiling hindi natitinag sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyan­o kaya naman chill lang si direk Coco Martin at Ang Panday muna ang pinagtutun­an niya ng pansin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines