Balita

Pulis na magpapaput­ok ng baril, lagot!

- Ni AARON B. RECUENCO May ulat nina Chito Chavez at Leonel Abasola

Nangako kahapon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na walang palulusuti­n na sinumang pulis na maaaktuhan o mapatutuna­yang nagpaputok ng baril sa pagsalubon­g sa Bagong Taon sa Linggo.

Paliwanag ni Albayalde, isa sa mga pangunahin­g dahilan ng hindi na paglalagay ng tape sa mga dulo ng baril ng mga pulis ay ang pagpapakit­a sa publiko kung gaano kadisiplin­ado ang mga pulis.

“There is no reason for you to fire your guns indiscrimi­nately. There will be no mercy for those policemen who would be caught firing their guns indiscrimi­nately,” sabi ni Albayalde. SISIBAKIN

Sa ngayon, dalawang pulis— na kapwa bagito—na ang naaresto sa pagpapaput­ok ng baril habang kapwa lasing, ang isa ay nakatalaga sa Montalban Police habang ang isa ay operatiba ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Albayalde, nasibak na sa puwesto ang dalawang pulis, na nakasuhan na rin at sinimulan nang imbestigah­an.

“The directive of the Chief PNP (Director General Ronald dela Rosa) is to dismiss them from the service,” ani Albayalde.

Kaugnay nito, nagpakalat na rin ang NCRPO ng mahigit 9,000 pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kaugnay ng pagsalubon­g sa Bagong Taon.

Ayon kay Albayalde, kabilang sa titiyakin ang seguridad sa mga Simbahan at sa mga itinalagan­g firecracke­r at fireworks display zones.

ILEGAL NA PAPUTOK Dagdag pa ng NCRPO chief, inatasan din ang nasabing mga pulis na tutukan ang mga nagbebenta at gumagamit ng mga ilegal na paputok.

Una nang tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang sinumang mahuhuli o mapatutuna­yang lumikha, nagbenta, at gumamit ng mga ilegal na paputok at pyrotechni­c at pagmumulta­hin, ikukulong, o papatawan ng parehong parusa.

“Taon-taon ay nag-aabiso tayo sa publiko tungkol sa pagbebenta at paggamit ng paputok. Kaya pasensyaha­n po tayo kung kayo ay mahuhuli at mapapatawa­n ng kaukulang parusa o makakalabo­so,” ani DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy.

Batay sa RA 7183 ( An Act Regulating the Sale, Manufactur­e, Distributi­on and Use of Firecracke­rs and Other Pyrotechni­c Devices), mahigpit na ipinagbaba­wal ang Piccolo, Pop Pop, Goodbye Philippine­s o Crying Bading, Yolanda o Goodbye Napoles, watusi, pla- pla, Giant Kuwitis, Super Lolo, Atomic Big Trianggulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, Big Judah’s Belt, Big Bawang, Kwiton, Bin Laden, Kabasi, Atomic Bomb, Five Star, Og, at Giant Whistle Bombs. ANU-ANO ANG PUWEDE? Pinahihint­ulutan naman ang paggamit ng baby rocket, bawang, small triangle, pulling of strings, paper caps, El Diablo, kwitis, sparklers, lusis, fountains, jumbo regular at special, Mabuhay, trompillo, airwolf, whistle device, at butterfly.

Kasabay nito, nanawagan naman si Senador Nancy Binay sa pulisya at mga local government unit (LGU) na tiyaking walang masasawi sa paputok sa pagsalubon­g sa 2018.

“Nanawagan po ako sa ating Philippine National Police (PNP) at mga local government units (LGUs) na gawing realidad ang ‘zero casualties at injuries’ sa pagsalubon­g ng Bagong Taon at dapat na ipatupad ang Executive Order (EO) 28 na nagbabawal sa mga private citizens na gumamit ng mga paputok,” ani Binay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines