Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-23 labas

- Ni LEONARDO T. BULURAN

SA isang eklusibong subdibisyo­n nakatira si Tiya Onor. Sa limitadong paglalaraw­an ni Pedring, lahat ng bahay ay parang mga simbahan. Ang bahay mismo ni Onor ay tigib ng mga kagamitang hindi niya alam kung ano ang pangalan at noon lang niya nakita. Isang babaeng katulong lang ang sumalubong sa kanila at sinabi ng tiyang niya na ito lang ang kasama nila sa bahay.

“Kunin mo ang mga pinamili naming sa kotse,” sabi ni Onor sa katulong. ‘Yong mga damit ay dalhin mo sa bedroom ko.”

Alam ni Pedring na ang bedroom ay tulugan. Naituro na ‘yon ng titser nila noong pinag-aarlan nila ang mga parte ng bahay.

Ang pangalan ng katulong ay Edith. Hindi pa naman matanda si Edith. Siguro’y hindi na malayo ang edad nito sa kanyang tiyang.

Nakashorts ng halos ay litaw ang ngingi ng puwit ni Edith. Nakatisirt ng dilaw na may kalumaan na. May katabaan pero may hugis namana ng katawan. Kahit may kalalakiha­n ang mga legs, makinis naman at maputi. Aywan kung bakit pasulyap lang ang nagawang pagtingin ni Pedring sa harap ni Edith.

Para kay Pedring, napakalaki talaga ng bahay ni Onor. Sa isang hagod ng tingin, tatlong pinto ang natanaw niya. Napag-aralan na rin nila sa school, karaniwan nang may tinatawag na master’s bedroom, may kuwarto para sa katulong o mga katulong. (Hindi pa rin naman napakalaki ng bahay kung ibabatay sa mga antas ng kabuhayan ng mga nakatira sa subdibisyo­ng iyon).

Naiisip ni Pedring: Sa maliliit na bahay a tulad ng mga bahay sa Mauwak, kaya niyang matulog na mag-isa. Pero sa ganitong kalaking bahay, na tiyak na malalaki rin ang silid, hindi yata niya kayang mag-isa. Sa nakita niya, tatlo ang kuwarto, tigi-tigisa kaya sila nina Edith at Tiya Onor. Ngiii!

O sama-sama kaya silang tatlo sa iisang kuwarto? Na mismong isip niya ang kumontra. Di ba sabi ni Onor: Dalhin daw sa kuwarto nito? Ibig sabihin, may sariling kuwarto si Tiyang Onor. Siya kaya, saan? Sa isa pang kuwarto?

Siguro, sasabihin niya sa kanyang tiyahin: Ni hindi ho ako sanay matulog ng nag-iisa. Marahil, sasabihin ni Tiyang: Sasamahan ka ni Edith: Naiisip niya: Puwede siguro kapag ilang gabi lang. Kung puro si Edith lang ang tatabi sa kanya habang naroon siya, baka magyaya siyang umuwi nang hindi pa tapos ang summer vacation.

Ano kaya’t itabi siya ni Onor? Inangkupo! Hindi siguro. Sanay naman sigurong matulog ng nagiisa ang kanyang tiyahin.

“Naroon nab a ang mga pinamili kong damit, Edith?” “Na’ron na, Ate.” Nabulabog ang sandaling pagiisip ni Pedring.

“Pedring, anak... ‘lika na. Magpalit tayo ng damit...”

Napalunok siya kahit tuyo ang kanyang lalamunan. Tama ba ang kanyang narinig? Magpapalit daw sila ng damit? Doon mismo sila sa kuwarto ni Tiya Onor? Inangkupo! Totoo ba ito?

Una nang lumakad si Onor. Susunod ba siya? Hindi agad siya nakalakad. Naiisip niya si Lagring. Si Lagring nga, kailangan pa niyang pilitin sa kanilang bahay-bahayan para kunwari ay magbibihis sila.

Nasa bungad pa ng pinto si Pedring, nasa loob na mismo si Onor. May kalakihan nga ang silid. Higit na malaki kaysa sa kanilang bung bahay sa Mauwak.

Nakikita na ni Pedring ang malaking bahagi ng kuwarto. Ang kabuuan niyon ay nababalot ng makakapal, tiyak na mamamahali­ng kurtina mula sa ibaba ng sahig hanggang sa itaas. Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines