Balita

Paint Masters, pipinta sa Astrodome

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Cuneta Astrodome) 4:15 n.h. -- Blackwater vs Rain or Shine 7:00 n,g. -- TNT Katropa vs Alaska

MAKASALO sa kasalukuya­ng lider NLEX at defending champion San Miguel Beer ang tatangkain ng koponan ng Rain or Shine sa kanilang muling pagsalang sa unang laro ngayong hapon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Makakasagu­pa ng Elasto Painters ngayong 4:15 ng hapon sa pambungad na laban ng nakatakdan­g double header ang Blackwater. Kasunod nito ay magtutuos mama sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi ang TNT Katropa at Alaska.

Naungusan ng ROS ang TNT sa kanilang unang Laban, 82- 79. Ngunit kahit nanalo, para kay coach Caloy Garcia, hindi maganda ang kanilang nilaro na hindi na dapat maulit sa susunod kung gusto nilang madagdagan ang naunang panalo.

“It’s good to start the season with a win but ang daming lapses, turned the ball over too much, offensive boards we gave up a lot, “sambit ni Garcia. “We can’t win lot of games if we play this kind of game. “

Sa panig naman ng makakatung­galing Elite, umaasa si coach Leo Isaac na makakabawi sa natamong unang pagkabigo (98103) sa kamay ng Meralco lalo pa’t nagpakita ng impresibon­g debut ang kanilang rookie at dating D league MVP na si Reymar Jose.

Samantala sa tampok na laban, kapwa bigo sa nauna nilang outing, mag - uunahang makabangon at makapasok ng winner’s circle ang TNT at Alaska.

Parehas nagpamalas ng mababang shooting percentage ang dalawang koponan sa kanilang naunang kabiguan kaya naman tiyak na babawi sila ngayon para sa target na isara ang taon sa pamamagita­n ng tagumpay.

Magkukumah­og ang tropa ni coach Alex Compton na makabawi buhat sa 95- 108 na pagkatalo sa Magnolia habang babangon ang koponan ni coach Nash Racela sa pagkaunsiy­ami nito sa Rain or Shine.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines