Balita

Highlights at sidelights sa Gabi ng Parangal

-

TANGING ang horror film na Haunted Forest ng Regal Entertainm­ent nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang walang naiuwing trophy sa Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pitong official entries ng MMFF ang naghatihat­i sa mahigit 20 plus trophy na ipinamahag­i sa awards night na ginawa sa Kia Theater nu’ng Wednesday ng gabi.

Biggest winner ang pelikulang Siargao ng TEN17P Production­s na pinagbibid­ahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales. Unexpected ito lalo na’t few days after all eight films opened, matunog na matunog na ang mga pelikulang All of You, Deadma Walking at Ang Larawan ang maghahati-hati ng iba’t ibang awards for acting at technical categories.

Samantala, anim na MMFF trophies ang naiuwi ng pelikula kabilang ang 2nd Best Picture, Best Director ( Paul Soriano), Best Sound ( Robbie Factoran at Ricardo Jugo), Best Original Theme Song ( Alon by Hale), Best Editing ( Mark Victor) at Best Supporting Actress para kay Jasmine Curtis Smith.

Anim na trophies din ang nakuha ng Ang Larawan ng Culturtain Musical Production­s kabilang ang Best Picture, Gatpuno J. Villegas Cultural Award, Best Musical Score ( Ryan Cayabyab), Production Design ( Gino Gonzales), Posthumous Special Jury Prize ( Nick Joaquin) at Best Actress para sa internatio­nal musical theater star na si Joanna Ampil.

Humakot naman ng apat na awards ang directoria­l debut ni Coco Martin na siya ring bida at isa sa coproducer­s ng Ang Panday ng CCM Production­s, Star

 ?? MFF winners ??
MFF winners

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines