Balita

Alden, kahanay ng foreign actors na crush ni Kris

- Ni NITZ MIRALLES

GINANAP kahapon ang post-Christmas at pre-New Year treat ni Alden Richards sa press people pero advance itong deadline namin pero alam namin na siguradong may magtatanon­g tungkol sa inamin ni Kris

Aquino na crush siya nito. Sa local celebritie­s, si Alden ang nabanggit ni Kris na crush niya sa Merienda with Kris web series na inilabas sa kanyang official YouTube account Ka-level ni Alden ang foreign actors na sina Wentworth Miller ng Prison Break,

Paul Walker at Keannu Reeves na forever crushes ni Kris.

“Kung bata lang ako talaga, si Alden. I love Alden. I’m really a fan. Talagang tuwang- tuwa ako sa kanya, you know. Galing na galing ako sa kanya at ang bangubango niya tingnan, di ba?” sabi ni Kris na may kasama pang palakpak.

Kuwento pa ni Kris, apat na beses niyang pinanood ang Martial Law special na Alaala na pinagbidah­an ni Alden at dalawang beses naman niyang pinanood ang TV movie nina Alden at Maine Mendoza na Love Is...

Nakakatuwa si Kris sa pagkukuwen­to tungkol kay Alden na nakilala niya bago pa man sumikat nang husto sa AlDub. Nakikita raw niya ang malaking billboard nito ng pinagbidah­ang teleserye sa GMA- 7 dahil sa may GMA siya nag-u-u-turn papunta ng ABS-CBN. Kaya nang magkita sila at magpakilal­a si Alden nang gawin ang Little

Bossing, “I know you” ang sagot niya. Anyway, tiyak ding matatanong si Alden ng mga reporter tungkol sa Christmas vacation nila ng kanyang pamilya sa Japan at ng mga plano niya sa 2018. Nasa drawing board na ng GMA- 7 ang gagawin niyang teleserye sa second quarter ng 2018 at may writer nang naka-assign na susulat ng script at maglalatag ng story.

 ??  ?? Kris
Kris
 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines