Balita

Billie Lourd, inalala si Carrie Fisher sa tribute trip kasama ang ama

- Cover Media

IPINAGDIWA­NG ng aktres na si Billie Lourd ang unang anibersary­o ng pagkamatay ng kanyang ina na si Carrie Fisher sa panonood ng Northern Lights sa Norway, bilang pagbibigay- pugay sa namayapang aktres.

Minarkahan nitong Miyerkules ang unang taon mula ng pumanaw ang Star Wars actress, at nagdesisyo­n ang kanyang bugtong na anak na ipagdiwang ito kasama ang amang si

Bryan Lourd, sa bakasyon ng pamilya. Nagbahagi ang Scream Queens actress ng dalawang litrato ng natural light display sa Instagram, at ipinaliwan­ag kung bakit napili nilang doon igugol ang emosyonal na araw sa Norway.

“My momby (tawag niya kay Carrie) had an otherworld­ly obsession with the northern lights, but I never got to see them with her,” sulat niya. “We journeyed to northern Norway to see if we might ‘see the heavens lift up her dark skirts and flash her dazzling privates across unworthy irises.’ And she did. I love you times infinity”.

Kasama rin ng Lourds, na nagdiwang ng Pasko sa Norway, ang asawa ni Bryan na si at anak nilang si gayundin ang bagong Ava, Bruce Austen Bozzi Rydell, boyfriend ni Billie, ang aktor na si ulat ng People.com.

Inalala rin ng castmate ni Carrie sa na si Mark Hamill Star Wars

ang aktres sa madamdamin­g tribute sa Twitter nitong Miyerkules. “No one’s ever really gone...,” caption niya sa serye ng luma nilang litrato, na may kasamang linya mula sa bagong The Last Jedi, Star Wars:

ang huling pelikula ni Carrie. Idinagdag ang hashtags, “#AlwaysWith­Us” at “#CarrieOnFo­rever”.

Lumabas din si Billie sa The Last Jedi, makaraan ang kanyang big screen debut kasama ang ina noong 2015 sa Star Wars: The Force Awakens.

Inatake sa puso si Carrie habang sakay sa eroplano papuntang Los Angeles at pumanaw makalipas ang apat na araw, sa edad na 60.

 ??  ?? Billie at Bryan
Billie at Bryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines