Shakira, iniurong ang world tour
IPINAGPALIBAN ni Shakira ang North American leg ng kanyang world tour dahil sa problema sa kanyang boses.
Nakatakda sanang simulan ng Hips Don’t Lie singer ang kanyang El Dorado World Tour sa Cologne, Germany noong Nobyembre ngunit iniurong ito dahil sa kanyang “strained vocal cords”.
Umasa siyang maipapagpatuloy ang tour nang buwan ding iyon ngunit, isiniwalat niya na nagkaroon siya ng haemorrhage sa kanyang kanang vocal cord at kinailangan ipagpaliban ang lahat ng kanyang European tour dates.
Nang mga panahong iyon, hindi kinansela ang kanyang North American trek na nakatakdang ganapin sa Enero 2018, ngunit ngayon ay ipinahayag ni Shakira na hindi pa niya maipagpapatuloy ang kanyang tour sa loob ng anim buwan.
“Though I very much hoped to be able to recover my vocal cords in time to pick the tour back up in January, and after exploring many options to that effect, I have accepted that this is an injury that simply needs more time and care to heal,” aniya sa mahabang mensahe sa kanyang website. “I feel for all of you who planned ahead to come to these shows and who have been so patient as I took the time needed to figure out the best course of action with my doctors...”
Nangako naman si Shakira sa kanyang fans na ibibigay ang kanyang “best” sa pagbabalik niya sa entablado.
“I am very proud of this show; I feel it’s my best yet, since it has a repertoire filled with heartfelt songs and exciting moments of music and dance,” dagdag pa niya. “I really can’t wait for June! I promise to give you all of me and more from the minute I get on that stage and I am counting the days till showtime!”
Magsisimula ang tour sa Hunyo 5, 2018 sa Cologne, at ang U. S. at Canadian shows ay inaasahang magsisimula sa Agosto 2018.