Balita

Ilegal na paputok pa rin ang pangunahin­g nambibikti­ma sa publiko

-

SA 42 naitalang nasugatan sa paputok hanggang nitong Miyerkules, nasa 30 sa mga ito ang nabiktima ng ilegal na paputok. “Twenty-six or 62 percent were caused by the Piccolo, an illegal firework,” hayag ni Department of Health-Epidemiolo­gy Bureau director, Dr. Irma Asuncion sa ikaanim na “Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report” na isinumite kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Miyerkules.

Ang Piccolo, ang maliit na stick na puno ng pulbura at lumiliyab gaya ng posporo, ang pinakapopu­lar na pinakadeli­kadong paputok sa bansa, na sanhi ng 69 na kaso ng pinsala mula sa 116 kaso noong Disyembre 2016. Ito ay karaniwang kaagad na sumisindi at minsan ay nalalangha­p ng mga bata.

Naitala sa ikaanim na araw ng pagsubayba­y sa mga pinsalang dulot ng paputok sa buong bansa ang 13 bagong kaso, kaya naging 42 na ang kabuuang bilang mula nang simulan ang monitoring nitiong Disyembre 21.

Mahigit sa kalahati o 24 sa mga nasugatan ang naitala sa National Capital Region, at sa Maynila ang may pinakarami­ng kaso na mayroong 16.

Sinabi ni Asuncion na 39 sa mga nasugatan ay lalaki, 33 ang nangyari sa lansangan, at mayorya ng mga nasugatan o 31 katao ang nasugatan sa kamay, habang tatlo ang kinailanga­ng putulan ng daliri.

Wala pang naiuulat na kaso ng paglanghap ng paputok, habang may ilan nang nasugatan sa ligaw na bala.

Kinalap ang mga ulat ng 43 sentinel hospital ng Department of Health na inatasang magbigay ng wastong datos tungkol sa mga pinsalang dulot ng paputok ngayong holiday season.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines