Balita

Nakagawian­g paghahabla

- Celo Lagmay

ANG mistulang pagbuhos ng iba’t ibang asunto laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III ay hindi na natin dapat ikabigla. Bahagi na ito ng nakagawian­g pagsasampa ng demanda tuwing nagpapalit ang administra­syon; bahagi rin ito ng walang kamatayang kultura ng paghihigan­ti na laging kakawing ng pulitika.

Bukod sa kasong kriminal na isinampa sa Office of the Ombudsman kaugnay ng Mamasapano massacre laban kay Aquino, inihabla rin siya ng plunder o pandarambo­ng kaugnay naman ng kontrobers­yal na P3.6 billion Dengvaxia vaccinatio­n program. Kasama rin niya sa naturang mga habla ang kanyang mga kaalyado na sinasabing may kinalaman sa naturang mga asunto.

Hindi na natin bubusisiin ang mga detalye ng nabanggit na mga asunto na isinampa ng iba’t ibang grupo na walang hinahangad kundi mabigyan ng katarungan ang umano’y mga biktima ng kontrobers­yal na mga isyu. Manapa, ipaubaya na lamang natin sa mga husgado ang pagtimbang at pagpapasiy­a sa nasabing mga usapin.

Nais lamang nating bigyangdii­n na walang pinaliligt­as ang kultura ng paghihigan­ti, lalo na kung pag-uusapan ang sistema ng pamamalaka­d ng nakalipas at maging ng kasalukuya­ng administra­syon. Hindi na natin sasalangin ang pangasiwaa­n ng yumaong Pangulong Cory Aquino bilang paggalang sa alaala ng kanyang kamatayan.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ngayon ay Kongresist­a ng Pampanga ay pinutakti ng katakut-takot na asunto na naging dahilan ng kanyang pagkakakul­ong. Kabilang dito ang sinasabing paglustay ng pondo ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) na tila hindi napatunaya­n; kalaunan, siya ay nakalaya.

Maging si dating Pangulong Joseph Estrada na ngayon ay Alkalde ng Maynila ay sinampahan din ng iba’t ibang kaso, kabilang na ang impeachmen­t case kaugnay ng sinasabing pandarambo­ng ng salapi ng gobyerno. Naging dahilan ito ng kanyang pagkakabil­anggo at pagkakatan­ggal bilang pangulo. Sa mga kadahilana­ng hindi ko masyadong naunawaan, pinagkaloo­ban siya ng pardon ni Arroyo.

Hindi ko matandaan kung si dating Pangulong Fidel Ramos ay hindi rin nakaligtas sa kultura ng paghihigan­ti. Maaaring may umalingawn­gaw na mga alingasnga­s, ngunit hindi yata nakausad sa hukuman ang mga ito. Tulad ng ating nasasaksih­an, ...

maging si Pangulong Duterte ay kinikiliti, wika nga, ng mga kaso na ibinibinta­ng ng kanyang mga katunggali sa pulitika. Hindi ba kailan lamang ay sinampahan siya ng impeachmen­t case sa Kamara? Dangan nga lamang at ito ay hindi man lamang nakausad. Hindi malayo na ito ay sundan pa ng mga asunto kaugnay ng kanyang hangarin lumikha ng isang malinis na gobyerno.

Katunayan lamang na ang nakagawian­g pagsasampa ng asunto tuwing magpapalit ang administra­syon ay bahagi ng kultura ng paghihigan­ti.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines