Balita

Mga trahedya sa Pasko

- Johnny Dayang

T RADISYON na ng mga Katoliko ang pagdiriwan­g ng Pasko. Kahit may ilang sektor ng mga Kristiyano ang hindi gaanong nagpapahal­aga sa Pasko, na-develop ng mga Pinoy ang kakaibang kultura na nagsisilbi­ng oras para sa pamilya at reunion ang nasabing pagdiriwan­g.

Par sa pulitiko, ang Pasko ay nagaalok ng napakarami­ng oportunida­d upang makasalumu­ha ang kanilang mga nasasakupa­n, tipunin ang mga tagasuport­a at makaiwas sa mapansaman­talang kaugalian na paghingi ng lechon at mamahaling regalo sa mga pulitiko.

Nitong Disyembre 13, nagtakda ang PDP-Laban ng Christmas gala party sa five-star Sofitel Philippine Plaza Manila. Gayunman, ang event ay naging okasyon ng ‘ di pagkakauna­waan sa hanay ng mga major leader, partikular na sa pagitan nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na huli na nang malaman ang event at halos hindi na nito puntahan.

Hindi ito agad naipagbiga­y-alam kay Pimentel, PDP-Laban national president, dahil mayroon pa siyang Senate session. Ikinairita ito marahil ng senador na huli na nang makarating sa event at bigong mabati si Pangulong Rodrigo Duterte na maagang umalis sa venue. Iniulat na kinausap niya ang mga organizer at tinanong kung bakit hindi siya agad sinabihan tungkol sa party at bakit hindi inilipat sa ibang araw dahil sa hindi pagkakatug­ma ng mga schedule ng mga leader.

Bukod diyan, ang pagbuo ng impression na ang usap- usapang away sa partido ay mas malalim sa inaasahan.

Sa post-party event sa Philippine Charity Sweepstake­s Office, isiniwalat ni Sandra Cam, bagong talagang direktor, ang magarbong PCSO Christmas party, ginastusan umano ng P10milyon, sa Shangri-la Hotel. Ang magarbong selebrasyo­n ay naganap kung kailan inilakas ang libulibong Pilipino dahil sa bagyo.

Nilinaw ni PCSO chairman Alexander Balutan ang ginastos sa party at sinabing ito ay aabot lamang sa P6 milyon, na hindi ganon kagarbo...

dahil aabot sa 1,200 katao ang dumalo sa event.

Ipinaliwan­ag niya na ang malaking halaga ay napunta sa raffle prizes at mga regalo.

Sa Davao City, kinansela ang City Hall Christmas party dahil sa bagyong ‘ Vinta’ na kumitil ng 200 katao. Sinundan ito ng sunog sa isang kilalang mall na ikinamatay ng 38 katao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines