Balita

Ric Valmonte Nag-resign si VM Duterte dahil sa shabu

-

NAGBITIW sa tungkulin si Vice Mayor Paolo Duterte ng Davao City. Bukod sa pagkakasan­gkot sa grupong tinawag ni whistle blower Mike Taguba na “Davao group”, na lumabas na responsabl­e sa P6.4billion shabu shipment sa Bureau of Customs (BoC), binanggit din niya ang publikong sagutan nila ng kanyang anak na si Isabelle. Si Isabelle ang nagpakuha ng larawan sa loob ng Malacañang na binatikos ng mga netizen.

Pero, kung ang pagpapakuh­a lang ng larawan ng kanyang anak sa Palasyo at ang sagutan nila ng kanyang anak sa social media, para saakin ay hindi ito sapat na dahilan para siya ay magbitiw. Napakalayo naman ng relasyon nito sa pagganap niya sa kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan. Ang mabigat ay ang pagkakadaw­it ng kanyang pangalan at ng kanyang bayaw na si Atty. Mans Carpio, asawa ng kanyang kapatid na si Davao Mayor Sarah Duterte, sa shabu shipment.

Ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na lumabas sa BoC ay natunton sa isang warehouse sa Valenzuela City. Naging paksa ito ng imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayaw sanang ipatawag ni Chairman Richard Gordon sina VM Duterte at Atty. Mans Carpio kahit iginigiit na ito sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes. Ayaw din sanang dumalo ng dalawa. Pero, ayon sa Pangulo, siya mismo ang nagpayo sa kanila na dumalo sa pagdinig. Sa pagdinig na ito, sa pagtatanon­g ni Sen. Trillanes, inamin ni VM Duterte na may tattoo siya. Nang hamunin siya ng Senador na ipakita ito para makunan ng larawan kahit sa pribadong lugar, tumanggi siya. Ang layunin ng Senador ay ipakita ang larawan sa U. S. Narcotics Investigat­ion Division upang malaman kung siya ay miyembro ng Triad at ang level niya bilang miyembro. Ang Triad ay grupo ng mga nagkakalat ng droga sa China, Singapore, Thailand, at Malaysia.

Kaya, bukas ang isyu ng pagkakasan­gkot ni VM Duterte sa pumasok na P6.4 bilyong halaga ng shabu sa bansa. Kahit naabsuwelt­o ng Department of Justice sina dating BoC Commission­er Nicanor Faeldon at kapwa niya opisyal na sina Nilo Maestrecam­po at Gerardo Gambala gayong sila ang gumawa ng sistema, ayon sa resulta ng imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee, upang maluwag na makapasok ang anumang shipment, ilegal man o hindi, sa BoC. Ang pagkakasan­gkot ni VM Duterte sa shabu shipment ay mananatili kahit na siya ay...

nagbitiw, wika nina ACT Teachers Representa­tives Antonio Tinio at France Castro. Ayon kay Castro, ang pagbibitiw ni Paolo ay huli na at dapat niya itong ginawa nang madawit ang kanyang pangalan sa Davao Group. Kaya, napakaliwa­nag ng pagkakaugn­ay ni VM Duterte sa pagpuslit ng shabu sa pagiging opisyal niya ng gobyerno lalo na’t ang gobyerno, sa pamumuno ng kanyang ama, ay napakarami nang napatay dahil sa ilegal na droga. Ito sana ang delikadesa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines