Balita

Nag-viral na pulis-pulisan, kakasuhan

- Bella Gamotea

Kilala na ng Southern Police District (SPD) ang umano’y abusadong driver na unang inilarawan­g nakasuot ng athletic uniform ng Philippine National Police (PNP) at nag-viral sa social media ang pagkakasan­gkot nito sa away-trapiko nitong Disyembre 27.

Kinilala ni SPD Spokespers­on, Supt. Jenny Tecson ang driver na si Joseph Philip Lu Bautista, 36, FilipinoCh­inese, business consultant ng REFA company Hong/Taiwan, nakatira sa Aventine Town House, Barangay Ususan, Taguig City.

Sa ulat na ipinaratin­g sa SPD ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa Bonifacio Global City (BGC) sa lungsod, dakong 6:00 ng gabi.

Nakunan ng video ang pakikipagt­alo ni Bautista sa isang hindi pa pinangalan­ang motorista sa lugar.

Inamin ni Bautista sa awtoridad na siya ang nasa viral video at nilinaw na hindi siya pulis.

Katwiran ni Bautista, “mas kumportabl­e” suotin ang PNP athletic shirt.

Patuloy na tinatawaga­n ang complainan­t upang makapagsam­pa ng kaukulang kaso laban kay Bautista.

Sakaling hindi isulong ng complainan­t ang pagsasampa ng kaso, maaari namang maghain ng demanda, bilang nominal complainan­t, ang Taguig PNP ng Illegal Use of Uniform sa ilalim ng Article 179 ng Pevised Penal Code (RA 3815) laban kay Bautista.

“The Philippine National Police (PNP) is currently observing Oplan Tamang Bihis for the proper wearing of uniforms and the PNP has authorized exclusive distributo­rs or providers,” ani Supt. Tecson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines