Balita

Pia Wurtzbach, ala-Darna sa ‘Revenger’

- --Reggee Bonoan

NAPANOOD na namin ang Gandarrapi­ddo: The Revenger Squad

nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach kasama sina Karla Estrada, Lassy, MC at Wacky Kiray na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal for Star Cinema at Viva Films.

Tulad ng mga nakaraang Vice Ganda movies, hindi kami nag-expect ng malalim na kuwento at pag-arte kasi nga comedy at ang gusto lang naman ng TV host ay magpasaya ng tao.

Tinext nga namin si Direk Joyce na tawa kami nang tawa sa pelikula niya at binati rin namin dahil kontrolado na ang mga dating eksenang OA ng bawat kasama sa pelikula. Bagamat mayroon pa rin, hindi na roon naka-focus o hindi na gaanong mapapansin.

Aliw palang magsama sa pelikula ang mag-inang Karla at Daniel dahil nagiging makatotoha­nan na ang palitan nila ng salita tulad ng sinabi ng una, “Anak, nagso-shooting lang tayo, sa bahay mo na gawin ‘yan.” Sa eksena kasi ay tinatalaka­n ni DJ ang mama niya kaya nagtawanan ang taong kasabay naming nanonood sa Robinson’s Magnolia Cinema 3 nitong Miyerkules.

Ang ganda-ganda ni Pia sa pelikula, mahal na mahal siya ng kamera ni Direk Joyce! Halatang alagang-alaga sa lahat ng g anggulo gg lalo na kung gp ipinakikit­a ang g kaseksihan niya.

Totoo nga ang sabi ni Vice na mapupuri mo si Pia sa movie dahil ang galing niya sa fight scenes at paglipad-lipad na pinagarala­n nito nang husto ang paggalaw sa harness.

‘ Very Darna’ ang paglipad at pakikipagt­unggali ni Pia sa kalaban.

Kaya tinext uli namin si Direk Joyce ng, ‘prineempt mo ang Darna movie ni Liza

Soberano kasi gayang-gaya ang paglipad at fight scenes’ at sinagot kami ng, “bumagay eh.”

Bagay din pala si Pia maging si Darna, ‘yun nga lang kung siya ang pinili, e, manaka-naka ito sa box office dahil maging realista tayo na mas maraming fans si Liza kaysa kay 2015 Miss Universe, tama ba, Bossing DMB?

At saka baka may ibang estilo namang gagawin si Direk Erik Matti sa Darna version ni Liza.

Going back to Gandarrapi­ddo: The Revenger Squad, hindi lang mga bata ang nakasabay naming nanood ng last full show kundi pawang senior citizens na kasama ang kanilang mga anak at apo.

Taray ni Vice, all sexes na, all ages pa ang may gusto sa kanya kaya naman pala malaki ang kinita sa unang araw at patuloy na kumikita sa sumunod pang mga araw.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines