Balita

Europe, sunod na bakasyon ng pamilya ni Alden

- -Nitz Miralles

NAGHINTAY

kami na matapos ang post Christmas party ni Alden Richards para sa entertainm­ent press para makausap siya sandali. Ang comment ni Kris Aquino na crush siya nito ang agad naming itinanong.

Ano ang reaction niya sa inamin ni Kris? “Nagulat ako! Hindi ko expected na sasabihin niya ‘yun. Everytime na nakikita ko siya, she’s always very pleasant. I take it as a compliment.”

Mabango ka raw? “Kaya nga. Kaya spray ako nang spray para lagi akong mabango,” sagot ni Alden.

Ano naman ang reaction niya sa wish ni Kris na gumawa sila ng movie together at mother and son ang gagampanan nila? “Sana matuloy ‘yan. Ako naman, ‘pag andyan ang opportunit­y, i-grab natin. I’ll be very happy ‘pag natuloy ang project na ‘yan,” sagot ni Alden. Nabanggit pala ni Alden na kaya nine days lang sila sa Japan ng kanyang y gp pamilya y dahil hinabol niya ang New Year Countdown ng GMA Network. etwork. Seven years na niya itong ginagawa inagawa at patuloy pang gagawin.

“I consider it my first job b for the New Year. Hindi ko ginagastos stos ang talent fee ko, itinatago ko. Kaliwaan aliwaan ang bayad sa amin, kaya pagdating agdating ng New Year, may trabaho o ka na at suweldo pa. ‘Tapos, sa January uary 1, 2018, live ang Eat Bulaga, ga, ang sarap magtrabaho sa a Bagong Taon,” sabi ni Alden. . Pagkagalin­g sa masayang g unang bakasyon ng kanilang pamilya sa Japan, inspired si Alden na gawin na itong yearly.

“Next year, hopefully, madala ko sila sa Europe. As much as possible, habang kaya pang magtravel ng grandparen­ts ko, magta-travel kami.

Mahirap dahil naka-

wheelchair na si Lolo, pero nang makita ko ang saya nila ni Lola ng dad ko at mga kapatid, ibang klaseng tuwang naramdaman ko. Sobra ang pasasalama­t ko dahil nag-renew ang mga endorsemen­t ko. Ang ganda ng na-build up naming relationsh­ip with the brand, para na kaming pamilya,” patuloy na kuwento ni Alden. Bakit nga pala siya nagpa-party sa press people? “It’s my way of giving back. Wala pa ang Aldub, nand’yan na ang press na tumutulong sa akin. Naalala ko nga dati, three to four tables lang tayo ‘ pag presscon, ngayon lumaki na. Hindi alam ng iba kung saan tayo nagsimula, pasasalama­t lang ito sa tulong ninyo sa akin,”

Sa January 2, 2018, birthday niya, 26 years old na siya at tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Sa Jan. 6, sa Enchanted Kingdom ang birthday celebratio­n niya at sa buong araw ay ang So, ano ang birthday kanyang fans ang kasama wish niya.

“Lagi kong sinasagot diyan, peace, continous blessings and stability. Wala na akong hinahanap pa. I’m very much contented with my life and what my family and I have.” Ano ang wish niya for 2018? Ano ang gusto niyang mangyari? "Ang gusto ko lang, makaarte sa isang movie o isang soap at palakihin ang negosyo. Next year, available na for franchisin­g ang Concha’s. Kaya, lang tayo para matupad ang wish natin,” pagtatapos ni Alden.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines