Balita

Diwa ng Belenismo, namayani sa Lalawigang Tarlac

- Sinulat at mga larawang kuha ni LEANDRO ALBOROTE

NITONG nakaraang Kapaskuhan ay muling nasaksihan sa buong bansa ang iba’t ibang estilo ng Belenismo na umaagaw ng atensiyon ng mga turista at mga residente na dumadayo sa iba’t ibang lugar.

Sa lalawigan ng Tarlac ay kakaiba ang Belenismo, dahil nagtatayo sila ng mga disenyo na bihirang makita subalit higit na sumisimbol­o sa Kapaskuhan. Kabilang na rito ang nilikha ng Capas. Makikita sa harap ng munisipyo ng bayan ang isang uri ng windwheel na nagpapahiw­atig na patuloy umiikot ang progreso sa ilalim ng administra­syon ni Capas Mayor Reynaldo ‘ Reycat’ Catacutan.

Maging sa lungsod ng Tarlac ay bumabander­a rin ang Belenismno na umuugnay sa pagsulong ng kabuhayan na ipinatupad ni City Mayor Cristy Angeles sa 76 barangays ng Tarlac. Dahil din sa diwa ng Kapaskuhan ay nagkaloob ang pamahalaan­g lokal ng P500.00 sa bawat senior citizen na naniniraha­n sa siyudad.

Marami ang nagsasabi na ang Belenismo ay kaagapay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod dahil sa patnubay ng diwa at kahulugan ng pagsilang ng Mesiyas -- ang ating Panginoong Hesukristo.

Sa bayan ng Moncada, Tarlac ay may ipinagmama­laki ring Belenismo na dinayo at patuloy a ring dinarayo ng mga turista at iba pang residente sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Pampanga, Tarlac at iba pang lugar sa Central Luzon.

Hindi rin nagpahuli ang Northern Luzon Command (NOLCOM), Camp Aquino, Tarlac City. May kakaiba ring estilo sa Belenismo na sinuman ang makakakita ay napapahang­a sa ganda na bihirang makita sa ating bansa, na inantabaya­nan ni NOLCOM Chief Lt. General Emmanuel Salamat.

Nakadagdag din sa atraksiyon ang harapan ng mall sa Barangay San Roque, Tarlac City na masasabi ring kahanga-hanga na sumisimbol­o sa diwa ng Kapaskuhan.

 ??  ?? Sa harap ng mall sa Barangay San Roque, Tarlac City.
Sa harap ng mall sa Barangay San Roque, Tarlac City.
 ??  ??
 ??  ?? Windwheel ng Capas
Windwheel ng Capas
 ??  ?? Lanterns na tampok sa Belenismo sa Tarlac City.
Lanterns na tampok sa Belenismo sa Tarlac City.
 ??  ?? 2017 Seal of Good Local Governance Awardee ng Moncada, Tarlac.
2017 Seal of Good Local Governance Awardee ng Moncada, Tarlac.
 ??  ?? Tarlac Christmas Tree
Tarlac Christmas Tree
 ??  ?? Belenismo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) Camp Aquino, Tarlac City.
Belenismo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) Camp Aquino, Tarlac City.
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines