Balita

Ravena, lider ng Blue Eagles

- Ni Marivic Awitan

HINDI gaanong nabigyan ng tsansang maipakita ni Thirdy Ravena ang taglay na talento sa kanyang unang taon bilang miyembro ng seniors team ng Ateneo kung saan nakasama pa nya sa koponan sa huling taon nito sa liga ang nakatatand­ang kapatid na si Kiefer Ravena.

Nang sumunod na taon, paggraduat­e ni Kiefer, kinailanga­n naman niyang magsit-out ng isang taon matapos magkaprobl­ema sa kanyang grado na isang requiremen­t bilang student athlete.

Kaya naman sa kanyang pagbabalik sa aksiyon sa nakalipas na UAP season, ipinangako niyang babawi siya mula sa mga nasayang na panahon.

At gaya ng inaasahan, isa siya sa mahalagang susi kaya nagtapos na topseed ang Blue Eagles sa eliminatio­ns at nakalusot sa matinding hamon ng season host Far Eastern University sa Final Four.

Pagdating ng Finals, lalo pang nagningnin­g ang kanyang performanc­e kung saan naging matibay na halimbawa siya ng ipinagmama­laking tatak na matinding disiplina ng Blue Eagles.

Tahimik na itinala ni Ravena ang mahahalaga­ng mga numero para sa Ateneo nang hindi niya kailangang sapawan ang kahit na sino.

Pinangataw­anan ng 6-foot-2 na second genera player ang kanyang pagiging isang utility forward dahil ramdam siya ng team kahit saang bahagi ng court.

Siya ang nagpasa kay Isaac Go nang ibuslo ng huli ang game winner sa Game 1 ng Finals at maging sa title clinching Game 3 nang bumitaw si Go ng triple.

At nang gawaran siya ng pagkilala bilang Finals MVP ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament, buong pagpapakum­baba niyang ibinahagi ang karangalan sa mga kakamping sina Isaac Go at Chibueze Ikeh.

“Well I guess I don’t know. The reward isn’t like, for me, the team deserves that award,” pahayag ni Ravena, They all deserve the award.”

“I’m just doing my job. I’m not doing anything special. We’re doing the same job. I’m doing the same job as Vince [ Tolentino], Matt [ Nieto], Ice [Go], Ikeh, and everyone in the team. Even those players you don’t really see on the court. They’re with us in practice every single today,” dagdag pa ng 20anyos na anak ng dating ring UAAP star na si Bong Ravena at dating UAAP volleyball star na si Mozzy Crisologo.

“They’ve been with us in this journey.”

 ?? RIO DELUVIO ?? MULING nadagit ng Ateneo Blue Eagles ang UAAP men’s basketball title dahil sa liderato ni Thirdy Ravena.
RIO DELUVIO MULING nadagit ng Ateneo Blue Eagles ang UAAP men’s basketball title dahil sa liderato ni Thirdy Ravena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines