1 ‘nanlaban’, 4 arestado sa Bulacan anti-drug ops

Balita - - News - Freddie C. Velez

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang lalaki ang napatay sa buybust habang apat na iba pa, kabilang ang dalawang menor de edad, ang naaresto sa magkahiwal­ay na anti-illegal drugs operation ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Bulacan PPO director Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr. ang napatay na si Edwin Espinosa.

Sa kanyang report kay Senior Supt. Caramat, sinabi ni Bocaue Police chief Supt. Jowen Dela Cruz na nagkaroon ng engkuwentr­o ang kanyang mga tauhan kay Espinosa nang ikasa ang buy-bust operation sa Barangay Batia nitong Martes ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, nang makahalata umano si Espinosa na buy-bust ang transaksiy­on ay kaagad itong bumunot ng baril at pinagbabar­il ang mga pulis kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad hanggang sa mapatay ang suspek.

Nasamsam mula sa pinangyari­han ng bakbakan ang 20 plastic sachet ng hinihinala­ng shabu na aabot sa 10 gramo at nagkakahal­aga ng P50,000, isang .38 caliber revolver na may dalawang fired cartridge case, tatlong bala, pitong fired cartridge case ng .9mm caliber, at buy-bust money.

Sinabi pa ni Senior Supt. Caramat na nadakip din ng Bulacan PPO ang apat na drug suspect sa magkakaiba­ng operasyon kontra droga sa San Jose Del Monte City, Guiguinto, at Plaridel kung saan nakakumpis­ka ang mga awtoridad ng 10 plastic sachet ng hinihinala­ng shabu, buy-bust money, at drug parapherna­lia.

Arestado sina Marvin Magno Quejada, 37, may asawa, walang trabaho, at residente ng Francisco Homes, Bgy. Yakal, SJDM; Rogelio Cardenas Hermogenes, 57, ng Kabilang Bacood, Bgy. Sta. Rita, Guiguinto; isang 17-anyos na babae; at isang 16-anyos na lalaki, tubong Bicol, at kapwa taga-Bgy. Banga 2nd, Plaridel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.