Balita

12 opisyal ng PNP binalasa

- Martin Sadongdong at Jun Fabon

Binalasa ng Philippine National Police (PNP) ang 12 sa pinakamata­taas na opisyal nito epektibo kahapon, kabilang ang police director na babalik sa Special Action Force (SAF), eksakto isang linggo bago ang anibersary­on ng Mamasapano clash noong Enero 25, 2015.

Ipinag-utos ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang third level re-assignment ni Director Noli Talino, mula sa Directorat­e for Human Resource and Doctrine Developmen­t (PNP-DHRDD) patungong SAF.

Minsan nang nagsilbing commander si Talino matapos niyang palitan si Director Getulio Napeñas, na sinibak makaraan ang Mamasapano encounter noong 2015, na ikinasawi ng 44 sa SAF. Ni-re-assign si SAF commander, Director Benjamin Lusad sa Directorat­e for Integrated Police Operations sa Southern Luzon (DIPOSL).

Tatlong iba pang police director ang ni-re-assign kabilang sina Director Cedrick Train, mula sa pagiging Directorat­e for Integrated Police Operations-Western Mindanao (DIPO-WM) ay itinalagan­g DHRDD; Director Noel Constantin­o, mula sa pagiging Directorat­e for Police Community Relations (DPCR) ay naging DIPO-WM; at Director Eduardo Serapio, mula sa Directorat­e for Integrated Police Operations-Southern Luzon (DIPO-SL) ay naging DPCR.

Bukod diyan, pitong chief superinten­dent ang binalasa rin: sina Chief Supt. Elmo Francis Sarona, mula sa pagiging Police Regional Office (PRO) director sa Cordillera ay napunta sa Directorat­e for Investigat­ion and Detective Management (DIDM); Chief Supt. Edward Carranza, mula sa PNPHealth Service ay naging PRO-Cordillera director; at Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, na mula sa PNP-Directorat­e for Operations (DO) ay naging hepe ng PROMimarop­a.

Kabilang din sina Chief Supt. Wilben Mayor, hepe ng PRO-4B na ni-re-assign sa DO; Chief Supt. Robert Quenery, mula sa PRO-2 ay nalipat sa PRO-7; Chief Supt. Timoteo Pacleb, mula sa PRO-10 ay nalipat sa PRO-2; at Chief Supt. Jose Mario Espino, na mula sa PRO-7 ay nalipat sa PRO-10.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines