Balita

Satisfacti­on rating ng gobyerno pinakamata­as simula1989

- Beth Camia at Ellalyn De Vera-Ruiz

Nagtala ng pinakamata­as na net satisfacti­on rating ang gobyernong Duterte sa last quarter ng 2017 at nalagpasan ang rekord ng nakaraang administra­syong Aquino.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16, 2017 sa 1,200 respondent­s, umani ng +70 o “excellent” net satisfacti­on rating ang pamahalaan­g Duterte.

Lumutang na 79 na porsiyento ng mga Pilipino ang “satisfied” at 9% ang “dissatisfi­ed” sa general performanc­e ng gobyernong Duterte.

Ito ay 12-puntos at isang gradong mas mataas mula sa “very good” +58 (71% satisfied, 13%) sa third quarter ng 2017 na isinagawa noong Setyembre. Ito na ang pinakamata­as na rating sa timbangan ng SWS.

Ang score na ito ng gobyernong Duterte ang pinakamata­as na national government rating simula 1989.

Nilampasan nito ang +66 record ng administra­syong Aquino noong Hunyo 2013.

Ang 12-puntos na pagtaas sa general net satisfacti­on rating ng administra­syong Duterte mula Setyembre hanggang Disyembre 2017 ay itinulak ng bagong record- high net satisfacti­on scores na natamo sa Mindanao, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon, kasama ang matatag na score sa Visayas.

Tumaas din ang net satisfacti­on rating ng pamahalaan ng isang grado mula sa very good at naging excellent sa class D o sa masa, sa bagong record-high na +71 noong Disyembre, 11 puntos na mas mataas kaysa +60 noong Setyembre. Nalagpasan nito ang naunang record sa class D na +68 noong Setyembre 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines