Problemado sa sakit, nagbigti
CABANATUAN CITY – Nagbigti ang isang 26-anyos na lalaking may manic disorder sa loob ng kuwarto ng bahay nito sa Purok Interior, Barangay Daan Sarile sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.
Dakong 9:50 ng gabi nang madiskubre ng amang si Rodrigo Raneses y Macabutas, 56, negosyante, ang nakabigting bangkay ng anak na si Arjun Raneses y Ramirez, may asawa, residente ng nasabing barangay.
Problema sa sakit ang tinitingnang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima.