Balita

Factory fire sa Ermita, 19 na oras inapula

- Mary Ann Santiago

Inabot ng 19 na oras bago tuluyang naapula ng mga bombero kahapon ng umaga ang sunog na tumupok sa anim na palapag na pabrika sa Ermita, Manila.

Ayon kay Fire Chief Insp. Crossib Cante, hepe ng Operations ng Manila Fire District, dakong 4:30 ng hapon nitong Sabado nang magsimulan­g sumiklab ang apoy sa ikaapat na palapag ng Yakult building sa Agoncillo Street, kanto ng Escoda Street, sa Ermita.

Sinabi naman ni Manila Fire Marshall Supt. Antonio Razal Jr. na umabot sa ikatlong alarma ang sunog, bago tuluyang naideklara­ng under control dakong 3:20 ng umaga kahapon hanggang tuluyang maapula dakong 11:30 ng umaga.

Wala namang nadamay na katabing establisim­yento, at gumamit pa ng kemikal ang mga bombero upang harangin ang supply ng oxygen sa apoy.

Kinumpirma naman ni Cante na may mga empleyado sa loob ng gusali nang sumiklab ang apoy ngunit wala namang nasaktan o nasugatan sa mga ito.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang kabuuang halaga ng mga ari- ariang natupok.

“Ang cause po ng sunog ay still under investigat­ion, at lahat po ng puwedeng pagmulan ay titingnan, kung ito ay sinadya, electrical, or accidental,” ani Cante.

Samantala, sa Port Area ay isang dalawang-palapag na bahay ang nasunog bandang 1: 30 ng umaga kahapon.

Ayon sa pamilya, nag- short circuit na bentilador ang pinagmulan ng sunog sa bahay ng isang Jaime Obas sa Block 9 sa Baseco, hanggang maapula dakong 3:25 ng umaga.

Walang nasaktan sa sunog, na tumupok sa nasa P50,000 halaga ng mga ari-arian.

 ??  ?? SUNOG SA YAKULT Nakapaligi­d ang mga fire truck sa nasusunog na Yakult Building sa Agoncillo St. sa Malate, Maynila nitong Sabado ng gabi. MANNY LLANES
SUNOG SA YAKULT Nakapaligi­d ang mga fire truck sa nasusunog na Yakult Building sa Agoncillo St. sa Malate, Maynila nitong Sabado ng gabi. MANNY LLANES

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines