Balita

Federalism­o ipaunawa muna sa tao

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sumang-ayon ang Palasyo na kailangan munang ipaintindi sa mamamayang Pilipino kung ano talaga ang federalism­o bago isulong ng gobyerno ang pagbabago sa Konstitusy­on.

“Bago naman po tayo magkaroon ng plebisito, eh talaga naman pong iyong voter’s education ay importante,” sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa mga mamamahaya­g sa Kalibo, Aklan kahapon.

“So doon po sa budget na gagawin [ng Congress] para doon sa plebisito, eh importante po na maglaan din ng substantia­l amount nang maintindih­an ng mga tao kung ano talaga ang ninanais nating baguhin sa Saligang Batas,” dugtong niya.

Binigyang-diin ni Roque na layunin ng federalism­o na ma-decentrali­ze ang gobyerno upang mas makikinaba­ng ang mga lalawigan o federal states, sa kanilang yaman. Sa ilalim ng isinusulon­g na federalism­o ng administra­syon, hahatiin ang bansa sa limang federal states -ang Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila, at Bangsamoro.

Nauna nang ipinahayag ni Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo na kailangang ipaunawa muna sa taong bayan ang federalism­o dahil karamihan ng mga botante ay hindi ito naiintindi­han.

Pero ang problema... alam mo sabi nung survey, biro mo three-fourths ng Pilipino, di nila alam na may Saligang Batas,” ani Panelo sa Radyo Pilipinas.

“Kung ang Pilipino ay hindi ka malakas makaintind­i, walang aral, kasi majority illiterate, na mga botante natin, iyong lumalabas. Kailangang bigyan muna natin sila ng formal education, bago tayo gumawa ng ganyan,” dugtong niya. ‘DI MANGHIHIMA­SOK

Pinanindig­an ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at bilang Chief Executive ay igagalang ang kalayaan ng legislativ­e body.

Hindi pa naayos ng dalawang kapulunga ang kanilang magkakaiba­ng posisyon sa pagsusulon­g ng paglilipat sa federal type of government. Nais ng Senado na hiwalay na pagbotohan ang Charter change habang iginigiit ng House of Representa­tives ang joint voting.

Sinabi ni Roque na naniniwala ang Pangulo na trabaho ng Kongreso na magsagawa ng mga pagbabago sa Saligang Batas at hindi makikialam sa prosesong ito si Duterte.

“Ang paninindig­an po ng Presidente hindi po siya nanghihima­sok sa gawain ng Kongreso. Naniniwala po kami na independiy­ente ang Kongreso at hindi po kami nanghihima­sok, hindi po nanghihima­sok ang ating Presidente,” ani Roque.

Sinabi ni Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nauunawaan ng Palasyo ang sentimiyen­to ng 23 senador, na dapat masusing pag-aralan ang pagbabago sa Saligang Batas dahil makakaapek­to ito sa buong bansa.

“We respect our Senators if they say that they will have to study it properly and I think tama naman iyon na dapat hindi talaga madaliin ng sobra,” wika ni Andanar sa radyo DZRH.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines