Balita

Pope Francis nanawagang wakasan ang femicides

-

TRUJILLO, Peru (AP,AFP) – Kinondena ni Pope Francis ang femicides at iba pang krimen batay sa kasarian sa Latin America na isa sa pinakabayo­lenteng lugar sa mundo para sa kababaihan, at nanawagan ng batas para protektaha­n sila at bagong cultural mindset sa pagbisita niya sa isa sa pinakamapa­nganib na lugar sa Peru.

Sa Marian prayer sa northern seaside city ng Trujillo nitong Sabado, tinawag ni Francis ang bawat babae, ina at lola na guiding force ng mga pamilya. Gayunman, sinabi niya na sa America sila ay madalas na nagiging biktima ng pamamaslan­g at “many situations of violence that are kept quiet behind so many walls.’’

Nanawagan ang unang Latin American pope sa mga mambabatas na protektaha­n ang kababaihan at baguhin ang kultura ``that repudiates every form of violence.’’

Ginamit ni Francis ang terminong femicide – ang pagpatay sa kababaihan dahil lamang sa kanilang kasarian – para tuligsain ang “machismo” culture sa Latin America.

“I wish to invite you to combat a plague across our Latin American region: the numerous cases of violent crimes against women, from beatings to rape to murder,” sabi ng nagbibisit­ang papa sa libu-libong nagtipon sa main colonial-era square ng Trujillo. Sa Peruvian Amazon nitong Biyernes, kinondena ni Francis ang forced prostituti­on at traffickin­g ng kababaihan sa lugar, sinabi na nasasaktan siya na ang kababaihan ay “devalued, denigrated and exposed to endless violence.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines