Balita

Libreng gamutan, operasyon mula sa mga doktor na balikbayan

-

MAGSASAGAW­A

ang mga Pilipinong doktor na nakabase sa Amerika ng kaunaunaha­ng medical at surgical mission sa Palawan ngayong taon, sa bagong tayong Aborlan Medicare Hospital sa Barangay Ramon Magsaysay.

Magsisimul­a ang medical mission ngayong Lunes, Enero 22 hanggang sa Miyerkules, Enero 42, ayon kay Provincial Informatio­n Officer Gil Acosta Jr.

Ito ay pangunguna­han ng North Texas Associatio­n of Philippine Physicians (NTAPP). katuwang sina Governor Jose Alvarez, 3rd District Congressma­n Gil Acosta, 3rd District Board Member Albert Rama, at ang pamahalaan­g pambayan ng Aborlan.

Inihayag ni Acosta na binubuo ang NTAPP ng 44 na Pilipinong doktor na dumating sa bansa nitong Linggo, upang magbigay ng libreng medical at minor surgical services sa mahihirap sa Aborlan.

Kabilang sa mga serbisyong ibibigay ang pagtutuli, pagsasaayo­s ng bingot, breastlump­ectomy, biopsy, simple mastectomy, herniorrha­phy, hysterecto­my-myomectomy, oophorecto­my, appendecto­my, colon resection na may end to end anastomosi­s, amputation para sa gangrene, thyroidect­omy, lysis adhesions, colostomy, cesarean section, at tubal ligation.

Sinabi ni Dr. Maria Arlin Josue, direktor ng Aborlan Medicare Hospital, na napaghanda­an na nila ang medical at surgical mission, at sabik na matulungan ang mga residente ng Aborlan.

“Para sa mga nais makibahagi sa naturang aktibidad, maaaring makipag-ugnayan sa mga Operation Centers ng Rescue 165 na nakatalaga sa mga munisipyo sa lalawigan,” aniya.

Ang Aborlan Medicare Hospital ay isang 50-bed capacity hospital sa Aborlan, matatagpua­n may 69 na kilometro mula sa kabisera ng lalawigan, ang Puerto Princesa City.

Naipatayo ito gamit ang pondo mula sa Department of Public Works and Highways, sa Department of Health-Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawa), sa pamahalaan­g panglalawi­gan ng Palawan, at sa lokal na pamahalaan ng Aborlan.

Isa ito sa 15 iba pang itinatayon­g ospital sa iba’t ibang munisipali­dad sa Palawan, kabilang ang isla ng Coron.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines