Balita

JC Santos, humanga sa kahusayan ni Ryza Cenon

- Ni LITO MAÑAGO Ryza at JC

BAGONG tandem ang iniluwal sa pelikulang Mr. and Mrs. Cruz ng Viva Films at The Idea First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, soma Ryza Cenon at JC Santos; mula naman sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo ng box- office hit na Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Para kay Direk Sigrid, “interestin­g pair” sina Ryza at JC na parehong first time niyang naidirek sa una rin niyang mainstream film.

Aminado si Ryza na nakararamd­am siya ng pressure lalo na’t certified box- office hit ang Kita Kita ni Direk Sigfrid na ipinalabas nu’ng isang taon.

“May pressure talaga. Sabi ko nga kay Direk, kahit hindi naman blockbuste­r ‘yung -- kunyari lang ‘yung Kita Kita - may pressure pa rin kasi hindi namin alam kung ano’ng mangyayari sa aming pelikula. Kung magugustuh­an ba ito o hindi ng audience pero kasi maganda talaga ‘yung material kaya confident naman kaming magugustuh­an ito ng publiko,” pahayag ng aktres ng Ika-6 Na Utos ng GMA Network.

Bale second mainstream movie lang ito ni JC. Una siyang umapir sa 100 Tula Para Kay Stella ni Direk Jason Paul Laxamana na surprise hit din nang ipalabas last year.

Ayon sa Kapamilya actor, hindi pa rin daw siya sanay sa mainstream movie. Produkto ng entablado si JC at aniya, nakatulong si Direk Sigrid sa pag-atake niya sa kanyang character.

Wika ng 29-year old actor, “Ang daming proseso bago natapos ang pelikula. Ako pa naman, eh, ang laki kong umarte. So, nato- tone down ako ni Direk, natitimpla niya ako sa pag-arte sa screen. Hindi pa rin po ako sanay.”

Humanga siya sa kahusayan ni Ryza sa pelikula na nakatulong din sa kanya.

“Ang dami ko ring natutunan sa kanya kasi sobrang disiplinad­o pong tao ni Ryza at napakagali­ng niya sa pelikulang ito. Ang galing niyang humanap ng kamera, ang galing niyang umarte. Samantalan­g ako, parang napapayuko pa ako, tumataliko­d at mali ‘yung blocking ko, ganu’n, so hindi pa rin talaga ako sanay. Ang suwerte-suwerte ko kasi andito ako sa pelikulang ito,” paliwanag ni JC.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang Mr. and Mrs. Cruz sa Wednesday, January 24. Majority ng scenes were shot sa Palawan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines