Rihanna, hinihimok ang world leaders na pondohan ang global education
HINIHIMOK ni Rihanna ang world leaders na bigyan ng pondo ang edukasyon sa mga bansang naghihikahos at may nagaganap na digmaan.
Ginamit ni Rihanna noong Martes ang kanyang star power para hikayatin ang mga gobyerno na mangakong titiyakin ang edukasyon para sa pinakamahihirap sa mundo nang makibahagi siya sa isang international conference sa Senegal.
Dumating nitong Biyernes ang charttopping singer sa Dakar, kabisera ng Senegal upang dumalo sa Global Partnership for Education talks na cohosted ni Senegalese President Macky
Sall at French leader Emmanuel Macron.
Si Rihanna, ang fourth most followed person sa Twitter, na may 86 milyong followers, ay bumaling sa social media para himukin si Macron, British Prime Minister
Theresa May at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull upang tiyakin ang specific funding levels.
Sa kanyang tweet kay Macron, pinasalamatan ni Rihanna – nakaharap niya sa Paris noong Hulyo – ang French leader sa pangunguna sa conference ngunit hinimok ito para magkaloob ng 250 million euros ($313 million) para sa simulain.
Hinimok din niya si Turnbull na pondohan ang edukasyon ng mahihirap na bansa bilang bahagi ng pagpasok ng Australia sa UN Human Rights Council.
Umaabot sa 264 milyong school- age children ang nabubuhay na hindi nag-aaral dahil sa kahirapan, digmaan at social barriers kabilang ang bias laban sa mga batang babae, ayon sa United Nations Children’s Fund.
Ang Dakar conference na dinaluhan ng mga gobyerno at pribadong sektor ay naglalayong lumikom ng $3.1 bilyon sa loob ng tatlong taon para suportahan ang edukasyon ng 870 milyong bata.
Hiniling naman sa partner countries sa conference na maglaan ng 20 porsiyento ng public expenditure sa edukasyon -- isang antas na partikular na mahirap para sa mga bansang nakikipaglaban sa jihadists o may civil conflicts.
Makakaharap ni Rihanna, na naglilingkod bilang ambassador para sa Global Partnership for Education, sa Dakar ang mga opisyal ng gobyerno gayundin ang educators at students, ayon sa mga kinatawan.
Aktibo siya sa pagsusulong para sa development funding bilang bahagi ng Global Citizen, ang anti-poverty campaign na kinabibilangan ng policy events at concerts sa New York at lumalaking bilang ng mga bansa.
Ang Barbados-born singer – na nagpasikat sa mga awiting Diamonds at Only Girl (In
the World) at iba pa -- ay nagtatag din ng non-profit na Clara Lionel Foundation, na mayroong scholarship fund para makapagaral sa unbersidad ang mga estudyante.
Gamit ang kanyang Twitter account, paulit-ulit niyang nilalapitan ang mga lider kabilang si Canadian Prime Minister Justin Trudeau upang talakayin ang development issues.