Southeast Asia ‘hotspot’ sa antibiotic abuse –FAO
BANGKOK ( Reuters) – Talamak ang overuse at misuse ng antibiotics sa pagkain sa Southeast Asia, pahayag ng isang opisyal ng Food and Agriculture Organization ( FAO) kamakailan at nagbabala ng panganib sa mga tao at hayop dahil mas resistant na sa gamot ang bacterial infections.
Inilabas ng opisyal ng food agency ng United Nations ang babala sa sidelines ng international meeting sa Bangkok na nakatuon sa antimicrobial resistance ( AMR).
Sinabi ni FAO Chief Veterinary Officer Juan Lubroth sa Reuters sa Bangkok na ang banta ng antimicrobial resistance ( AMR) ay lalong lumulubha sa ibang lugar, gaya ng megacities ng Asia na mataas ang population growth at maramihan ang produksiyon ng pagkain at agrikultura.
“Here in Southeast Asia… we would consider it a hotpot because of the population growth, urbanization dynamics, the production of food,” sabi ni Lubroth sa Reuters.
Nakasaad sa ulat na inilathala nitong Lunes ng World Health Organization na natuklasan sa bagong global surveillance system ang malawakang pagkakaroon ng antibiotic resistance sa 500,000 katao na pinaghihinalaang may bacterial infections sa 22 bansa.
“Some of the world’s most common – and potentially most dangerous – infections are proving drug- resistant,” saad sa pahayag ni Marc Sprenger, director ng Antimicrobial Resistance Secretariat ng WHO.
Sa 2016 report ng economist na si Jim O‘ Neill, na kinomisyon ng British government, tinataya aabot sa $ 100 trilyon ang pagkalugi pagsapit ng 2050 kapag walang ginawa upang mabago ang trend, at tinataya na ang taunang bilang mula sa AMR ay aakyat sa 10 milyong kamatayan sa susunod na 35 taon.
“Ninety percent of those deaths would be in the developing world, and that is scary,” ani Lubroth .
Sinabi niya na may salin- kaalaman ang FAO advocates sa mga magsasaka tungkol sa panganib ng paggamit ng antibiotics para mapabilis ang paglaki ng mga hayop, at mas malakas ang pagpapatupad ngayon ng mga patakaran sa pamamahala sa food production.
“It’s not only about having the rules in black and white, they need to be applied.”