Balita

Dengvaxia effects babantayan ng local at int’l experts

- Nina Charina Clarisse L. Echaluce at Argyll Cyrus B. Geducos

Iimbestiga­han ng mga lokal at dayuhang eksperto ang magiging masamang epekto ng kontrobers­iyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa mga nabakunaha­n nito.

Ibinunyag ni Department of Health (DoH) Undersecre­tary Enrique Domingo na bubuo muli ang kagawaran ng panel, kasama ang University of the Philippine­sPhilippin­e General Hospital (UPPGH) at World Health Organizati­on (WHO), upang ituloy ang pagmomonit­or sa mga epekto ng bakuna, na sinasabing epektibo lamang sa mga dati nang nagkasakit ng dengue.

“We are going to create a team with the WHO and PGH so there is continued monitoring. We are going to continue classifyin­g the cases,” ani Usec. Domingo.

Ginawa ang pahayag ilang araw na ang nakalipas matapos isiwalat ng UP-PGH expert panel ang pagsusuri nito at kinumpirma­ng tatlo sa 14 na batang nabakunaha­n ng Dengvaxia ang namatay sa dengue.

Tinitingna­n ng DoH ang posibleng vaccine failure sa dalawang kaso, na wala ang antibodies sa dengue virus kahit pa may proteksiyo­n ito mula sa bakuna.

“We have to continue monitoring the effects so we can see all the adverse events in all of these children. And then we’ll get a clearer picture in the next few years,” anang opisyal.

Kaugnay nito, iniutos ni Pangulong Duterte sa mga pampubliko­ng ospital na bigyan ng libreng serbisyo ang mga batang nabakunaha­n ng Dengvaxia.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa press briefing sa Camarines Sur na iniutos ito ng Pangulo sa gitna ng pulong nito sa Department of Justice (DoJ), Public Attorney’s Office (PAO) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) nitong Huwebes ng gabi.

Aniya, tiniyak ni Duterte na ang gastusin sa serbisyong medikal ng mga nabakunaha­ng bata ay sasagutin ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines