Balita

Palasyo: Wala nang aregluhan sa smuggled cars

- Genalyn D. Kabiling

Tinanggiha­n ng Malacañang ang panukala ni Senate President Aquilino Pimentel III na ibenta ng gobyerno ang mga smuggled na sasakyan sa isang public auction sa halip na wasakin ang mga ito.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na tinutulan ng Pangulo ang pagsusubas­ta sa mga puslit na sasakyan dahil pagmumulan lamang ito ng katiwalian.

Sa halip, ayon kay Roque, wawasakin ang mga smuggled na sasakyan na nasamsam ng Customs agents upang hindi na muling mapasakama­y ng smugglers sa pamamagita­n ng substa.

“Ang mensahe ng Presidente the thing speaks for itself. Kapag kasi ikaw nagpaaucti­on, d’yan pumapasok ang corruption, d’yan pumapasok ang areglo,” ani Roque sa press conference sa Camarines Sur.

“So ang mensahe ng presidente noong pinasira niya ang mga luxury cars na yan, tapos na ang ayusan. Tapos na ang aregluhan. Kapag ikaw ay nag-smuggle sisirain ang iyong sasakyan. Ang mensahe huwag na kayo mag-smuggle ng sasakyan, dugtong niya.

Nauna rito ay hinimok ni Pimentel ang Bureau of Customs na pag-isipang muli ang pagsira sa smuggled luxury cars, dahil maaari pang mapakinaba­ngan ang mga ito. Ipinanukal­a niya na ibenta ang mga ito sa public action na bukas sa car collectors sa ibang bansa. Ang kikitain sa subasta ay gagamitin sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kamakailan ay inararo ng BoC ang 20 smuggled vehicles sa utos ng Pangulo upang mapigilan ang smuggling sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines