Balita

Chinese at Malaysian companies interesado sa Marawi rehab

- Argyll Cyrus B. Geducos

Interesado ang mga banyagang kumpanya mula sa China at Malaysia na makibahagi sa rehabilita­syon ng Marawi City sa Lanao del Sur, iniulat ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) kahapon.

Ayon kay TFBM Undersecre­tary at Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council ( HUDCC) Secretary-General Falconi Millar kabilang ang mga kumpanya mula sa dalawang bansa sa Asia sa limang grupo na nagpahayag ng kahandaang magsumite ng unsolicite­d proposals para sa pagbangon ng Marawi City mula sa digmaan.

“We expect about five or six proponents to be submitted on Monday (February 12). That’s the deadline we told them,” aniya sa press briefing sa Palasyon kahapon.

“Foreign companies have signified their intention to participat­e... [they are] coming from China and Malaysia,’ he added, citing internal communicat­ions.

Ipinaliwan­ag na ng TFBM noong Disyembre, 2017 na hindi magkakaroo­n ng bidding para sa reconstruc­tion ng Marawi City at ang proposals ng proponents ay isasalang sa Swiss challenge.

“We are not going to conduct bidding. Ang ginawa natin dito, we called all probable developers, bigtime developers, foreign and national, [and] we allowed them to see the most affected area,” sinabi ni HUDCC chairperso­n Eduardo del Rosario noong Disyembre.

Sinabi ni Del Rosario na ang mga imbitadong developers ay magsusumit­e ng kanilang unsolicite­d proposals na ipipresint­a sa Cabinet na siyang magdedesis­yon kung alin ang pinakamain­am para sa Marawi City at isasalang sa Swiss challenge.

Ang unsolicite­d proposal o bid ay isang written applicatio­n para sa bago o innovative idea na isinumite sa layuning makakuha ng kontrata sa gobyerno.

Ang Swiss challenge, naman, ay isang uri ng public procuremen­t kung saan inilalatha­la ng gobyerno ang unsolicite­d bid o proposal para ito ay tapatan o higitan pa ng third parties.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines