Balita

Sulu civil society groups: Aprubahan na ang BBL!

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD May ulat ni Vanne Elaine P. Terrazola

Isinusulon­g ng mga grupo ng civil society sa Jolo, Sulu ang pagsasabat­as ng kontrobers­iyal na Bangsamoro Basic Law (BBL) bilang kasagutan umano sa matagal na nilang hinahangad na kapayapaan sa Mindanao.

“We are pushing for the passage of the BBL because we are (longing) for a genuine peace,” diin ni Prof. Sahie Udja, ng Mindanao State University (MSU), sa idinaos na informatio­n and education campaign kaugnay ng BBL nitong Miyerkules.

Katwiran ni Udja, masasaklaw­an ng lahat ng napagkasun­duan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro fronts ang mga probisyon ng bagong bersiyon ng BBL na ipinonente ng 21 miyembro ng

Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Sa panig naman ni Al-Khalifa Jilah, ng Consortium of Bangsamoro Civil Society, ang pagtatatag ng gobyernong Bangsamoro ay susuporta sa economic conditions ng mamamayan ng Sulu.

“Because peace and order will be addressed especially in the island province. We are calling for the members of Congress and Senate to be sincere in the peace process and pass the BBL,” apela ni Jilah.

Nilinaw naman ni Rohana Elias, ng Kapatud Bangsamoro, na kinakailan­gan nang maisabatas BBL para maipatupad na ang mga kinakailan­gang pagbabago sa Mindanao.

“This is for the future of the youth. We will actively campaign for the passage of the BBL,” sabi pa niya.

Tiniyak naman kahapon ni Presidenti­al Adviser on Peace Process Secretary Jesus Dureza na nananatili­ng prioridad ni Pangulong Duterte ang maaprubaha­n ang BBL kaysa federalism.

Sa pagdinig ng Senado sa usapin na isinagawa kahapon sa Basilan State College sa Lamitan City, Basilan, sinabi ni Dureza na naninindig­an ang Presidente sa apela nito sa Kongreso na ipasa kaagad ang BBL bago pa maging federal ang sistema ng pamahalaan sa bansa.

“I give you the assurance of our President. He told me to prioritize BBL while we are working on federalism,” sinabi ni Dureza sa mga taga-Basilan na dumalo sa pagdinig.

Kaugnay nito, ibinasura naman ng mga senador ang panukalang batas na nagsusulon­g na sakupin ng bansa ang Sabah sa Malaysia, alinsunod na rin sa panukalang Bangsamoro region.

Napagkasun­duan nina Senators Juan Miguel Zubiri at Juan Edgardo Angara na huwag nang isama ang Sabah sa saklaw ng BBL, dahil “inililihis lamang umano nito ang usapin”.

“They want to include the Sabah claim in the BBL, but it’s complicate­d. With all due respect to all our brothers and sisters, this might have an internatio­nal implicatio­n,” sabi pa ni Zubiri.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines