Balita

Paulit-ulit ang pagbibigay-katiyakan ng Pangulo sa mga Pilipino

-

SA kanyang talumpati para sa selebrasyo­n ng anibersary­o ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila nitong Lunes, binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang pagtiyak niyang hindi siya lalabis sa kanyang termino ng panunungku­lan.

“That’s a guarantee. No dictatorsh­ips. No extension,” aniya. “If I overstay ever for one day, you are supposed to oust me, place me under arrest for violating the Constituti­on,” sinabi niya sa mga sundalo at pulis. “And there wil never be a time that I will ask you: You prop me up as a dictator of this country. I have had enough politics. I have experience­d all the accolades of my life.”

“Listen to me very carefully,” patuloy pa ng Presidente. “The only singular and sole reason why I am hurrying up the federal setup is, I am telling you now as president, that if there are no structural changes in Mindanao, the Moro people will go to war.”

Tunay na nakapagbib­igay ng katiyakan ang mga pahayag na ito ng Pangulo. Naniniwala sa kanya ang mamamayan, sa kanyang katapatan, at maging sa kanyang mga biro, nang banggitin niya sa parehong talumpati na hiniling niya sa Diyos na panatilihi­ng magilas ang kanyang pagkalalak­i. Tinanong daw siya ng Diyos: “Ilang taon ka na? Seventy two ka na. Magdasal ka na lang. Wala na! Wala nang extension!”

Ang ikinababah­ala ng marami ay ang sinasabi ng ilang lider ng Kongreso na may kaugnayan sa isinusulon­g na pag-amyenda sa Konstitusy­on upang magtatag ng federal na sistema ng pamahalaan. Kabilang sa mga panukala ng ilang kongresist­a ang constituti­onal amendment na magtatatag ng lehislatur­ang unicameral—o walang Senado. At iginiit nilang dapat na magkasaman­g bumoto ang dalawang kapulungan sa Constituen­t Assembly—na siyempre pa ay mawawalan ng kapangyari­han ang mga senador na kuwestiyun­in ang anumang nais ng mga kongresist­a dahil lamang ang mga ito sa bilangan ng kasapi.

Ibinunyag naman ni dating Vice President Jejomar Binay na kabilang sa binubuong draft ng panukalang “Federal Constituti­on” na inihahanda ng mga miyembro ng Kamara de Representa­ntes ang Section 6 sa Transitory Provisions nito: “Upon the ratificati­on of this Constituti­on, the present Congress shall be dissolved and the incumbent President shall exercise Legislativ­e powers until the first Federal Congress is convened.” Walang nabanggit sa draft tungkol sa petsa ng plebisito at ratipikasy­on; wala ring itinakdang petsa para sa pagsasama-sama ng Federal Congress.

Ang mga hakbanging gaya nito ng ilang kasapi ng Kongreso ang labis na ikinababah­ala ng marami. Binanggit nila ang mga posibilida­d na mismong ang Pangulo ay mariing kinontra.

Una nang nilinaw ni Pangulong Duterte na nais niyang bigyan ang mamamayang Moro ng higit na awtonomiya sa ilalim ng federal na uri ng gobyerno, o maaari rin naman ang sistemang “hybrid” na tulad ng sa China at Hong Kong. Gayunman, mistulang ilang kasapi ng Kongreso ang may ibang interes na nais nilang isulong, sa dahilang sila lang ang makikinaba­ng.

Ilang beses nang nilinaw ng Pangulo na hindi ito interesado­ng palawigin pa ang kanyang termino, at hinangaan at higit pa siyang inirespeto ng publiko dahil dito. Dapat na patigilin na niya ang Kongreso sa pagsusulon­g ng mga ideya gaya ng Section 6 ng panukala ng mga itong “Federal Constituti­on”, na malinaw namang taliwas sa paulit-ulit niyang pagtiyak sa mga Pinoy na hindi siya interesado sa dagdag na termino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines