Balita

Militar sali sa National Greening Program

-

NAGTULUNG- TULONG ang militar at ang mga lokal na opisyal sa aktibidad nitong Martes na layuning tiyakin ang malusog at maberdeng kapaligira­n para sa susunod na henerasyon.

Pinangunah­an nina Maj. Gen. Arnel dela Vega, commander ng 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army, at Alamada, North Cotabato Mayor Noemia D. Bartolome ang tree planting activity sa 171-ektaryang lupa sa Camp Paulino Santos sa Barangay Dado.

Pinamunuan naman ni Brig. Gen. Manolo Samarita, commander ng 602nd Infantry Brigade (IB) ng Army, ang nasabing aktibidad.

Lumahok sa naturang aktibidad ang dating tagapagsal­ita ng Philippine National Police (PNP) na si retired Director Nicanor Bartolome, asawa ng alkalde, at ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Dela Vega na ang kanyang dibisyon at ang lahat ng unit sa ilalim nito ay sumusuport­a sa National Greening Program (NGP) ng gobyerno na puntiryang makapagtan­im ng 1.5 bilyon puno sa 1.5 milyong ektaryang lupa sa buong bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Paris Agreement on Climate Change, at pormal nang umanib ang Pilipinas sa global accord na magbabawas sa paglalabas ng carbon.

Target ng priority program ng gobyerno, ang greening project, na tumulong sa pagpapabab­a sa antas ng kahirapan, isulong ang kasiguradu­han sa pagkain, papaghusay­in ang kalikasan, at pangalagaa­n ang biodiversi­ty.

Pinaghuhus­ay din nila ang pagsugpo sa climate change. Ang programa ay nakadiseny­o na maghatid ng alternatib­ong kabuhayan para sa mahihirap sa kabundukan at sa kapatagan. May kaugnayan din ito sa pagpo-produce ng buto at pangangala­ga, at pagpapalak­i ng mga bagong tanim na puno.

Bukod sa inisyatibo­ng reforestat­ion, tinitingna­n din ang NGP bilang climate change mitigation strategy dahil sa pagnanais nitong mapag-ibayo ang kalagayan ng kagubatan sa bansa, upang makasipsip ng carbon dioxide, na pangunahin­g sanhi ng global warming.

Bilang bahagi ng kontribusy­on sa pagpapabut­i ng kapaligira­n, inihayag ni dela Vega na ang lahat ng opisyal at tauhan ng 6ID ay kailangang makapagtan­im ng 25 binhi kada taon, na alinsunod sa tungkulin ng militar sa kanilang adbokasiya­ng pangalagaa­n ang kalikasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines