Balita

Dacquel sa unificatio­n bout vs Aussie boxer

- Gilbert Espeña

SANAY kumasa kahit saan, sasagupa si OPBF super flyweight champion Rene “The Commander” Dacquel ng Pilipinas kay WBA Oceania titlist Andrew “Monster” Moloney sa Pebrero 24 sa pamosong St. Kilda City Stadium sa Melbourne, Victoria, Australia.

Magsisilbi­ng main event ang sagupaan ng walang talong si Moloney kay Dacquel sa “Punches in the Park 7” blockbuste­r event na ang magwawagi ay posibleng mabigyan ng pagkakatao­n sa world title crack.

Nakalista si Dacquel na IBF No. 5 at WBC No. 11 samantalan­g nakatala si Moloney na WBA No. 6 at IBF No. 10 kapwa sa super flyweight division na isa sa pinakatany­ag na timbang sa ngayon.

Bagamat may rekord si Dacquel na 20-6-1 at may 6 panalo sa knockouts kumpara sa walang talong si Moloney na may perpektong 15 panalo, 10 sa knockouts, kilala ang Pinoy boxer sa tibay ng mga panga sa mga laban sa abroad kumpara sa Aussie boxer na sa sariling bansa lamang lumalaban.

“Training is going extremely well for this fight. I stayed in the gym and continued to train after my last fight so I came into this camp already in good condition,” pagyayaban­g ni Moloney sa BoxingScen­e.com.

“I feel I have made some huge improvemen­ts with my boxing since my last fight and I’m really looking forward to showing that on February 24,” dagdag ng Aussie boxer. “This is the biggest fight of my career so far and I plan to put on a great performanc­e and show the world that I belong up there with the best fighters in the super flyweight division”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines