Balita

3 koponan, sasalo sa liderato

- Marivic Awitan

(Fil Oil Flying V Centre) 8:00 n.u -- FEU vs Adamson (m) 10:00 n.u. -- La Salle vs UP (m) 2:00 n.h. -- FEU vs Adamson (w) 4:00 n.h. -- La Salle vs UP (w)

TATLONG koponan ang magtatangk­angsumalos­akasalukuy­ang lider na National University sa pagsabak sa magkahiwal­ay na laro sa pagpapatul­oy ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Target ng reigning titlist De La Salle University, University of the Philippine­s at Far Eastern University na makamit ang kani-kanilang ikalawang dikit na panalo upang makatabla sa Lady Bulldogs sa maagang pamumuno sa women’s division.

Mauunang sasabak ang Lady Tamaraws na tinapos ang dominasyon sa kanila ng Ateneo de Manila Lady Eagles noong nakaraang Linggo sa una nilang laban sa pagsagupa sa Adamson University na nabigo rin sa opening day kontra NU Lady Bulldogs ngayong 2:00 ng hapon.

Kasunod nito ang tapatan ng Lady Spikers na nakaungos sa kanilang larong inabot ng limang sets kontra University of Santo Tomas sa opening day at Lady Maroons na nakalagpas din sa dikdikang five-setter noong nakaraang Linggo kontra University of the East Lady Warriors ganap na 4:00 ng hapon.

Inaasahan ni Lady Spikers coach Ramil de Jesus na maagang makapag -adjust ang kanyang mga players upang maging handa sa nakikita nyang mabigat na giyerang susuungin para sa tangka nilang three-peat.

“Hopefully makapag-adjust sila kaagad kasi every game siguro iniexpect ko na mas magiging mahirap ang laban namin,” pahayag ni de Jesus.

Para naman sa kanilang katunggali­ng Lady Maroons, nais ni Kenyan coach Godfrey Okumu na magimprove pa ang kanilang play.

“We didn’t pass well. i kept on insisting on passing, that’s my philosophy. So we have to work hard on our passing,” pahayag ni Okumu. “Also, defense.If you pass well you execute. If you defend well, you score points. “

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines