Balita

MBT, suportado ng MMDA

-

NAGKAKAISA ang Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) at Metro Manila Council ( MMC) na maipagpatu­loy ang promosyon sa sports sa mga lungsod at munisipali­dad sa National Capital Region (NCR) sa pamamagita­n ng Metro Basketball Tournament.

Isinagawa ng MBT ang matagumpay na “Isang Liga, Isang Laro Para sa Pagbabago” sa nakalipas na taon.

Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, positibo ang naging tugon ng lahat ng local government units (LGUs) sa resulta ng 24-year-oldand-under at 16-year-old-and-under basketball tournament­s, sapat para ituloy ang programa ng MBT na pinamumunu­an ni Bonnie Tan, team manager din ng Globalport Batang Pier.

“Pursuant to President Duterte’s campaign to promote sports and eradicate illegal drug use and the city mayor’s desire to raise the level of sports competitio­ns, the MMDA and the MMC will again jointly host the Metro Manila-wide basketball and volleyball competitio­ns this year,” pahayag ni Lim.

Muling naitalagan­g overall Tournament Director si Tan sa basketball (24-under and 17-under) at volleyball (women/girls) competitio­n na inaasahang lalahukan ng 17 lungsod at munisipali­dad.

Nilagdaan nina Lim at Tan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa isasagawan­g Metro Manila SportsFest kamakailan sa MMDA office sa Makati City. Ilan sa mga sumaksi sina MMDA Chief of Staff Jojo Garcia, MMDA Sports Director Atty. Crisanto Saruca Jr. at MBT finance manager Waiyip Chong at deputy tournament director Fidel Mangonon III.

“I’m truly grateful to the Metro Manila Council headed by the MMDA and the entire 17 Metro Manila City mayors for again entrusting us with their sports programs. Together we shall spearhead to PROMOTE SPORTS, DEVELOP home grown talents, DISCOVER and NURTURE future Filipino Athletes in all our cities,” pahayag ni Tan.

Magsisimul­a ang junior at senior basketball at volleyball tournament­s sa Abril 15 kasabay ng PBA Metro Open tournament.

 ??  ?? SENELYUHAN nina MBT Tournament Director Bonnie Tan (ikalawa mula sa kaliwa) at MMDA Chairman Danilo Lim ang memorandum of agreement para sa 2018 season ng Metro Basketball Tournament, na bukod sa regular 16-and-under at 24-and-under juniors at seniors...
SENELYUHAN nina MBT Tournament Director Bonnie Tan (ikalawa mula sa kaliwa) at MMDA Chairman Danilo Lim ang memorandum of agreement para sa 2018 season ng Metro Basketball Tournament, na bukod sa regular 16-and-under at 24-and-under juniors at seniors...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines