Balita

11,000 pa Totokhangi­n ng PNP

- Martin A. Sadongdong

Inilabas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang listahan nito ng aabot sa 11,000 drug personalit­ies na puntirya ng pinaigting na “Oplan Tokhang” operations ng pulisya.

Sa isang press conference, tinukoy ni PNP deputy spokespers­on Supt. Vimelle Madrid ang nasabing listahan na pormal na iniharap sa Directorat­e for Intelligen­ce (DI) nitong Huwebes.

Umaasa rin siya na madadagdag­an pa ang bilang na ito sa susunod na mga buwan.

“We are conducting continuous validation and we found out that there are surrendere­rs who are not included in our list. They are not in the BADAC’s (Barangay Anti-Drug Abuse Council) list but we are welcoming them and since they voluntaril­y surrendere­d, they will be accounted for,” sabi ni Madrid.

Saklaw, aniya, ng naturang bilang ang lahat ng level, mula sa drug personalit­ies sa mga lansangan hanggang sa HVTs (highvalue targets).

Matatandaa­ng inihayag ni Pangulong Duterte na aabot umano sa tatlong milyon ang drug addict sa bansa.

Gayunman, tiniyak ni Madrid na magsasagaw­a pa rin ang PNP ng validation sa drug watchlist nito.

“We have to check it thoroughly because there might be cases where a person is included by the barangay captain in the drug list, only to find out that the baranggay official is just holding a grudge against that person. We have to be careful and there’s a process. From the BADAC’s list, it will go up to the COP (chief of police), then PD (provincial director), RD (regional director) and then to the DI (Directorat­e for Intelligen­ce),” paliwanag niya.

Ipinaalaal­a pa rin ni Madrid na “hindi na madugo” ang bagong Tokhang simula nang ilunsad ito muli.

Simula Enero 29 hanggang hatinggabi ng Pebrero 8 ay nasa

1,573 drug suspect na ang boluntaryo­ng sumuko sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines