Balita

NBI mako-contempt kay Taguba

- Nina MARY ANN SANTIAGO at BETH CAMIA

Pinagpapal­iwanag ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang National Bureau of Investigat­ion ( NBI) kung bakit hindi dapat i-cite for contempt ang ahensiya matapos mabigong tumalima sa utos ng korte na ilipat sa Manila City Jail ang customs fixer na si Mark Taguba.

Pebrero 2 nang nagpalabas ng commitment order si Judge Rainelda Estacio-Montesa na nag-aatas sa NBI na ilipat na sa Manila City Jail si Taguba, subalit nananatili pa rin sa kustodiya ng ahensiya si Taguba hanggang ngayon.

Humarap kahapon si Taguba sa Manila RTC Branch 46, na nakaposas ang mga kamay at nakasuot ng bullet-proof vest habang ineeskorta­n ng mga tauhan ng NBI.

Itinakda ng Manila RTC ang pagbasa ng sakdal kay Taguba sa Pebrero 23, matapos na paboran ni Judge Montesa ang arraignmen­t dahil sa inihaing Motion to Defer Arraignmen­t ng kampo ni Taguba.

Sa ilalim ng Rules of Court, may 60 araw para ituloy ang arraignmen­t simula nang isampa ang kaso.

Samantala, iniutos na rin ng korte ang paglilipat sa Manila City Jail sa consignee ng P6.4-bilyon shabu shipment na si Eirene Mae Tatad, mula sa detention facility ng NBI.

Binigyan naman ng korte ng 10 araw ang prosekusyo­n upang magkomento sa inihaing motion to quash informatio­n ng kampo ni Tatad.

Sina Taguba at Tatad at pitong iba pa ay nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa shabu shipment na lumusot sa Bureau of Customs noong nakaraang taon, at nasabat sa bodega sa Valenzuela City.

 ?? ALI VICOY ?? TODO-ESCORT Ineskortan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion ang customs fixer na si Mark Taguba (nasa likod,gitna) at si Eirene Tatad, ang consignee ng P6.4-bilyon shabu shipment mula sa China, sa pagdalo nila sa arraignmen­t hearing sa...
ALI VICOY TODO-ESCORT Ineskortan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion ang customs fixer na si Mark Taguba (nasa likod,gitna) at si Eirene Tatad, ang consignee ng P6.4-bilyon shabu shipment mula sa China, sa pagdalo nila sa arraignmen­t hearing sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines