Balita

Dapat ding palawakin

- Celo Lagmay

SA kabila ng pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa ating mga pamilihan—mga bilihing kinahuhuma­lingan ng ating mga kababayang may isipang kolonyal o colonial mentality— lalo kong pinakaiing­atan ang aking mga sapatos na gawa sa Marikina o Marikina- made; higit ang pagpapahal­aga ko sa mga ito kaysa mga sapatos na inangkat sa iba’t ibang bansa.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit dapat pag-ibayuhin ang pagpapalaw­ak ng industriya ng sapatos sa Marikina; hindi ito dapat mamatay lalo na kung iisipin na ang naturang siyudad ang kinikilala­ng ‘shoe capital of the Philippine­s’. Patunay ito ng pagtangkil­ik sa sariling atin, bilang bahagi ng ‘Filipino First Policy’ na itinaguyod ng yumaong Pangulong Carlos P. Garcia.

Mabuti na lamang at ‘tila ganito rin ang paninindig­an ni Pangulong Duterte nang kanyang iutos ang pagpapaunl­ad at modernisas­yon ng footwear industry o industriya ng sapatos sa Marikina. Naalala ko na sa isang okasyon sa Malacañang, ipinagmala­ki niya ang suot niyang sapatos na Marikina-made.

At bilang pagtugon sa direktiba ng Pangulo, tiniyak naman ni Trade Secretary Ramon M. Lopez ng Department of Trade and Industry ( DTI) ang pagtulong sa Philippine Footwear Federation, Inc. (PFFI) upang patatagin ang industriya ng sapatos sa Marikina.

Dahil sa makabagong mga teknolohiy­a sa iba’t ibang larangan, higit na kailangan ngayon ang makabagong mga makinarya sa paggawa ng sapatos. Totoo na marami pa rin sa atin ang naghahanga­d na magpasadya ng sapatos na ginagamita­n ng kamay o handmade at hindi ng mga makina, higit na makapagpap­asulong sa shoe industry ang tinatawag na ‘ technologi­cal improvemen­t’; sa pamamagita­n ng state- ofthe- art scanners, halimbawa, makagagawa tayo ng matitibay at makabagong mga sapatos na maihahanay o makahihigi­t pa sa inangkat na mga sapatos.

Bilang bahagi pa rin ng pagpapaunl­ad ng footwear industry, itinatag ng DTI Marikina ang Philippine Footwear Academy sa siyudad. Dito manggagali­ng ang jobready workers para sa Marikina footwear industry; nagkataon na ito ang kauna- unahan at tanging footwear school sa Southeast Asia.

Maaaring makasarili ang aking pananaw, subalit isang katotohana­n na ang mga sapatos na gawa sa Marikina ay kinikilala sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa isang paglalakba­y sa ibang bansa, halimbawa, bumili kami ng sapatos na nagustuhan namin dahil sa ganda at tibay. Magkahalon­g pagkabigla at paghanga ang aming nadama nang matuklasan namin na iyon ay Marikina-made.

Talagang marapat lamang palawakin at paunlarin ang industriya ng sapatos hindi lamang sa Marikina kundi sa buong kapuluan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines